Mga Tuntunin ng User

Bago gamitin ang Website o App na ito, dapat kang mag-register ng account sa amin at sumang-ayon sa aming Tuntunin ng Paggamit– pakibasa nang husto ang mga ito at mag-print ng kopya para sa iyong mga record. Ang Tuntunin ng Paggamitna ito ay bumubuo ng mga legal na may bisang kasunduan sa pagitan mo at ng TELUS Health.

Tingnan ang glossary ng mga may kahulugang termino sa dulo ng  Tuntunin ng Paggamit.

* * *

 TELUS HEALTH
MGA TUNTUNIN NG PAGGAMIT

Seksyon 1. SINO KAMI

Ang Website at App na pinangangasiwaan ng  Tuntunin ng Paggamit na ito ay ganap na pagmamay-ari ng TELUS Health (Canada) Ltd., isang korporasyong pinapamahalaan alinsunod sa mga batas ng Ontario, Canada.  Pagmamay-ari at pinapatakbo ng TELUS Health (Canada) Ltd. ang negosyo ng TELUS Health sa pamamagitan ng mga subsidiary sa iba't ibang bansa kabilang ang walang limitasyon nito sa Canada, Estados Unidos, United Kingdom, at Australia. Para sa mga layunin ng Tuntunin ng Paggamit na ito, maliban kung iba ang isinasaad sa Tuntunin ng Paggamit na ito, ang Website at App ay itinuturing na pagmamay-ari at pinapatakbo ng TELUS Health (Canada) Ltd., (na binabanggit bilang “TELUS Health", “kami”, “namin” o “sa amin” sa Tuntunin ng Paggamit na ito).  Ang aming pangunahing address ng aming negosyo ay sa 25 York Street, 29th Floor, Toronto, Ontario M5J 2V5, Canada.  Kung ina-access mo ang aming Website o App mula sa labas ng Canada, sumangguni sa Appendix 3 ng Tuntunin ng Paggamit na ito para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga karagdagang tuntunin ang kundisyon na posibleng naaangkop para sa iyo.

Seksyon 2. MGA TUNTUNIN NG PAGGAMIT

2.1          Itinatakda ng Tuntunin ng Paggamit na ito ang batayan kung paano namin ibinibigay ang aming Mga Serbisyo sa pamamagitan ng aming Website at App sa mga sumusunod na uri ng User:

  • Mga Indibidwal na User na nakakatanggap ng access sa aming mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng kanilang mga Sponsor na Organisasyon (“Mga User na May Sponsor”). Kasama sa Mga May Sponsor na User ang, ngunit hindi limitado sa (a) mga empleyadong nakakatanggap ng access sa Mga Serbisyo sa pamamagitan ng kanilang mga employer o insurer, (b) mga sponsor na benepisyaryo ng plano na nakakatanggap ng Mga Serbisyo sa pamamagitan ng sponsor ng kanilang plano, (c) mga miyembro ng unyon sa trabaho, organisasyon sa trade, o samahan sa trade na nakakatanggap ng access sa Mga Serbisyo sa pamamagitan ng kanilang membership sa mga nasabing unyon sa trabaho, organisasyon sa trade, o samahan sa trade, at (d) mga mag-aaral na nakakatanggap ng access sa Mga Serbisyo sa pamamagitan ng kanilang mga sponsor na edukasyonal na institusyon (hal. mga unibersidad at kolehiyo).
  • Mga asawa, anak, dependent sa sambahayan, at iba pang direktang nauugnay sa mga indibidwal ng May Sponsor na User (“Dependent na User”), kung ang mga indibidwal ay mga valid na Dependent na User alinsunod sa Kasunduan sa SPO na naaangkop sa nauugnay sa May Sponsor na User.
  • Mga Sponsor na Organisasyon (gaya ng mga account administrator) na direkyang customer ng TELUS Health at nag-aalok ng aming Mga Serbisyo nang direkta sa kanilang mga May Sponsor na User, o nakakatanggap ng access sa aming Mga Serbisyo mula sa mga third-party na reseller (gaya ng mga kumpanya sa insurance) na nagbibigay sa kanilang mga customer na Sponsor na Organisasyon ng mga indibidwal na pribilehiyo sa administrator account (sa pangkalahatan, “Mga SPO Administrator”).
  • Mga insurers o iba pang reseller ng aming Mga Serbisyo na (a) nag-aalok ng aming mga produkto at serbisyo sa kanilang mga customer ng Sponsor na Organisasyon (na iniaalok naman ang Mga Serbisyo sa kanilang Mga May Sponsor na User), pero (b) hindi nagbibigay sa kanilang customer ng Sponsor na Organisasyon ng mga pribilehiyo ng indibidwal na administrator account (“Mga Pass-Through Administrator”).

Sa Tuntunin ng Paggamit na ito, ang Mga Mga Tuntunin ng User, Dependent User, SPO Administrator, at Pass-Through Administrator ay indibidwal at kolektibong tatawagin bilang “Mga User,” “ikaw,” “iyong,” at iba pang katulad na salita kung saan nangngailangan ang konteksto ng nasabing generic na termino.  Ang iba pang binigyan ng kahulugan na termino ay nakalista sa Appendix 1 sa dulo ng Tuntunin ng Paggamit na ito.  Nakatakda sa Appendix 2 ang ilang partikular na terminong iniaatas sa amin na ibunyag sa iyo mula sa aming mga third-party na vendor.

2.2          Sa pamamagitan ng pag-register ng Account para magamit ang aming mga Serbisyo sa pamamagitan ng Website o App na itong sumasang-ayon kang magkaroon ng bisa sa iyo ang Tuntunin ng Paggamit na ito. Puwede mo lang gamitin ang Website at App (a) alinsunod sa Tuntunin ng Paggamit na ito, (b) para lang sa partikular na layunin ng mga ito, (c) alinsunod sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon, at (d) sa responsableng paraan lang. KUNG HINDI KA SANG-AYON SA TUNTUNIN NG PAGGAMIT NA ITO, IBIG SABIHIN AY HINDI MO MAGAGAMIT ANG WEBSITE O APP AT HINDI KA MAKAKATANGGAP NG MGA SERBISYONG AVAILABLE SA PAMAMAGITAN NG WEBSITE O APP. KUNG, SA ANUMANG PAGKAKATAPOS PAGKATAPOS MONG SUMANG-AYON SA TUNTUNIN NG PAGGAMIT NA ITO, AY HINDI MO NAGAWANG SUMUNOD SA TUNTUNIN NG PAGGAMIT NA ITO, NAKALAAN SA AMIN ANG KARAPATAN NA SUSPINDIHIN AT/O WAKASAN ANG AMING MGA SERBISYO, AT PAGHIGPITAN O KANSELAHIN ANG IYONG ACCOUNT AT ANG ACCESS MO SA AMING WEBSITE AT APP NANG WALANG PAUNAWA.

2.3          Kung nag-register ka bilang administrator para sa iyong Account sa ngalan ng Pass-Through Administrator, itinuturing na sang-ayon ka sa Tuntunin ng Paggamit na ito, sa iyong ngalan at sa ngalan ng Mga User mo.  Kung nag-register ka bilang administrator para sa iyong Account sa ngalan ng SPO Administrator, itinuturing na sang-ayon ka sa Tuntunin ng Paggamit na ito, sa iyong ngalan at sa ngalan ng Mga User mo. Sa anumang kaso, sa pamamagitan ng nasabing pag-register, ginagarantiya mong ikaw bilang indibidwal ay ganap na awtorisadong kinatawan ng isang Pass-Through Administrator o isang SPO Administrator, at ikaw indibidwal kang may kapangyarian at awtoridad na i-bind ang iyong sarili at ang iyong Pass-Through Administrator o SPO Administrator (ayon sa naaangkop) sa pamamagitan ng pagtanggap ng Tuntunin ng Paggamit na ito at ng anumang iba pang tuntunin at patakaran posible naming iatas sa iyo kaugnay ng Mga Serbisyo.

2.4          Nakalaan sa amin ang karapatang i-update o baguhin ang Tuntunin ng Paggamit nang pana-panahon. Ang mga update at pagbabago sa Tuntunin ng Paggamit na ito ay may bisa kapag na-post na namin sa Website o App, at ang patuloy mong paggamit ng aming Mga Serbisyo at ng Website o App ay bubuo ng iyong awtomatikong pagtanggap sa mga nasabing update at pagbabago. Para sa mga layunin lang ng impormasyon, aabisuhan ka rin namin sa pamamagitan ng email sa tuwing nagkakaroon kami ng mahalagang update o pagbabago sa Mga Tuntunin ng User na ito; gayunpaman, ang anumang pagkabigo namin para abisuhan ka ay hindi magbabago sa bisa ng na-update o nabagong Tuntunin ng Paggamit. Gayundin, sa ilang sitwasyon ay puwede naming hilingin sa iyo na tuwirang isaad ang iyong pagsang-ayon sa mga updates o pagbabago kapag nag-log in ka sa iyong Account (o, sa kaso ng Mga SPO Administrator o Pass-Through Administrator, kapag nag-log in ang iyong awtorisadong administrator sa iyong admin Account), at sa ganitong sitwasyon hindi mo patuloy na magagamit ang Mga Serbisyo hangga't hindi mo tinatanggap ang mga ito.

Seksyon 3. MGA KARAGDAGANG TUNTUNING KASAMA SA SANGGUNIAN

Ang mga sumusunod na tuntunin, at anumang kasunod na pagbabago dito, ay bahagi rin ng Tuntunin ng Paggamit na ito at nauugnay, at kasama sa sanggunian:

(a)           ang Mga Tuntunin ng Paggamit ng aming Website (isang kasalukuyang kopya nito ang available sa www.lifeworks.com);

(b)           para sa Mga Pass-Through Administrator at SPO Administrator, ang aming Kasunduan sa SPO sa iyo o, kung naaangkop, ang mga tuntunin ng serbisyo sa pagitan mo at ng anumang third-party na provider o reseller ng aming Mga Serbisyo sa iyo;

(c)            para sa Mga May Sponsor na User, anumang tuntunin at kundisyong puwedeng ilapat sa iyo ng iyong Sponsor na Organisasyon (pakitanong ang iyong Sponsor na Organisasyon para sa mga detalye); at

(d)           anumang pagbabago, modipikasyon, o update na ginawa sa kasalukuyan sa iba't ibang panahon.

Seksyon 4. MGA SERBISYO, WEBSITE, AT APP

4.1          Nagbibigay kami ng mga serbisyo sa tradisyonal na programang pantulong sa empleyado (kabilang ang mga serbisyo sa pagpapayo), edukasyon sa kalusugan at wellness at serbisyo sa content, serbisyo sa komunikasyon sa komunidad, programa sa mga perk at savings (kasama ang mga reward, insentiba, oportunidad sa cashback, programa sa diskwento, gift card at iba pang alok sa retail ng consumer), at serbisyo sa pagkilala sa komunidad, na ang karamihan ay dine-deploy sa cloud, at ang lahat ay puwedeng ma-access sa pamamagitan ng aming Website o aming App (ang “Mga Serbisyo”). Nakikipagkontrata sa amin ang Mga Sponsor na Organisasyon para pumili ng Mga Serbisyong magiging available sa kanilang mga May Sponsor na User, at ang iyong Account ay magbibigay-daan sa iyong ma-access lang ang Mga Serbisyong pinili ng iyong Sponsor na Organisasyon.  Sa pangkalahatan, ang aming Mga Serbisyo ay nagbibigay-daan sa iyo na gawin ang sumusunod (kung na-enable ng iyong Sponsor na Organisasyon):

(a)           ma-access ang iba't ibang resource at tool para tulungan ka (at ang iyong mga dependent kung naaangkop) na pamahalaan ang mga personal na isyu sa trabaho at bahay, kasama ang Mga Serbisyo ng EAP na inilalarawan sa Tuntunin ng Paggamit na ito;

(b)           ma-access ang iba't ibang deal sa pagkain, online shopping, lokal na in-store na pamimili, at gift card;

(c)           makakuha ng credit na magagamit bilang cash mula sa amin (na posibleng ma-withdraw o malalapat sa mga alok sa aming Website o App) kapag nakakumpleto ng partikular na dami ng transaksyon sa isang kalahok na Retailer alinsunod sa Secksyon 9 ng Tuntunin ng Paggamit na ito (“CashBack”);

(d)           makatanggap ng Mga Reward na inilaan sa iyo ng iyong Sponsor na Organisasyon bilang pagkilala sa isang achievement o iba pang aktibidad na nauugnay sa iyong trabaho (gaya ng mas detalyadong inilalarawan sa Seksyon 10 ng Tuntunin ng Paggamit na ito), na puwede mong i-redeem alinsunod sa Seksyon 10 (“Spot Reward”);

(e)           magkaroon ng Mga Reward sa pamamagitan ng paglahok sa aming mga programa at alok sa well-being (gaya ng mas detalyadong inilalarawan sa Seksyon 10 ng Tuntunin ng Paggamit na ito), na puwede mong i-redeem alinsunod sa Seksyon 10 (“Well-Being Reward”);

(f)            mag-unlock ng iba't ibang tier ng Mga Perk sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga puntos sa aming mga programa at alok sa well-being, na puwedeng humantong sa CashBack o Mga Well-Being Reward (gaya ng mas detalyadong inilalarawan sa Seksyon 10 ng Tuntunin ng Paggamit na ito);

(g)           makipag-ugnayan ng ilang partikular na impormasyon sa mga kasamang May Sponsor na User, kasama ang sa pamamagitan ng pagbibigay at pagtanggap ng pagkilala sa o mula sa ibang May Sponsor na User alinsunod sa Seksyon 12 ng Tuntunin ng Paggamit na ito;

(h)           ma-access ang mga resource sa kalusugan at wellness, kasama ang ngunit hindi limitado sa aming interactive na Pagsusuri sa Panganib sa Kalusugan at programa sa pagbabago ng pag-uugali, na inilalarawan sa Seksyon 10.4 at iba pang resource na inilalarawan sa Seksyon 13.1 ng Tuntunin ng Paggamit na ito.

Ang mga partikular na probisyong nauugnay sa Mga Serbisyong ito, kasama ang mga paghihigpit at limitasyon naaangkop sa Mga Serbisyong ito, ay mas detalyadong inilalarawan sa Tuntunin ng Paggamit na ito.

4.2          Ang iyong access sa at paggamit ng Website o App ay ginawang available sa ‘iyon mismo’ at ‘kapag available’ na batayan sa iyong ganap na pagpapasya. Hindi namin iginagarantiya sa iyo na ang iyong access sa at paggamit ng Website o App ay walang pagkaantala o walang error.

4.3          Kami (o ang iyong Sponsor na Organisasyon) ay puwedeng magbago o puwedeng huminto sa pag-aalok ng mga partikular na feature o programang bahagi ng Mga Serbisyo sa iba't ibang panahon at nang walang pag-abiso. Hindi namin ginagarantiya sa iyo na ang anumang partikular na content ay maging available bilang bahagi ng Mga Serbisyo sa pamamagitan ng Website o App.

4.4          Nakalaan sa amin ang karapatan na baguhin ang disenyo, feature, at/o functionality ng Website at/o App, at puwede kaming gumawa ng mga available na update o pamalit na bersyon ng App para sa pag-download. Hindi ka inoobligang mag-download ng anumang update o pamalit na bersyon ng App, pero puwede naming ihinto ang pagbibigay o pag-update ng content sa mga dating bersyon ng App.

4.5          Ang App ay puwede lang i-download, i-access, at gamitin sa isang device na pagmamay-ari o kinokontrol mo o ng iyong Sponsor na Organisasyon, at gumagamit ng nauugnay na operating system kung saan nakadisenyo ang App, kaya obligaston mong tiyakin na mayroon kang compatible na device na nakakatugon sa lahat ng naaangkop na teknikal na kinakailangan para mabigyang-daan ang pag-download, pag-access, at paggamit mo ng App at iba't ibang feature na ito.

Seksyon 5. PAG-REGISTER NG ACCOUNT

5.1          Para magamit ang Mga Serbisyo, dapat kang mag-register ng valid na Account at ikaw dapat ay:

(a)           isang indibidwal;

(b)           kinakatawan at ginagarantiyahan mo na naabot mo na ang hindi bababa sa edad kung saan may kakayahan kang maging legal na nakatali sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito sa ilalim ng mga naaangkop na batas ng iyong bansa. Kung ikaw ay menor de edad at gusto mong ma-access ang aming Mga Serbisyo, ang iyong magulang o tagapag-alaga ay kailangang makipag-ugnayan sa TELUS Health upang pumayag na maging legal na sumailalim sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito. Kung anumang oras ay nalaman ng TELUS Health na ikaw ay menor de edad at ang pahintulot ng iyong magulang o tagapag-alaga ay hindi nakuha, inilalaan namin ang karapatan, sa aming sariling pagpapasya, na suspindihin o wakasan ang iyong Account;

(c)           hanggang sa ikaw ay isang magulang o tagapag-alaga at hinirang mo ang iyong anak/ward upang gamitin ang Mga Serbisyo, kinakatawan at ginagarantiyahan mo na ang iyong anak/ward ay sumusunod sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito;

(d)           sumasang-ayon na sumunod sa Mga Tuntunin ng User na ito hangga't bukas ang iyong Account; at

(e)           nagtitiyak na ang impormasyon sa iyong Account (kasama ang iyong profile) ay tumpak at naa-update nang regular hinggil sa anumang nauugnay na pagbabago.

(f)           sumasang-ayon kang sumunod sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito hangga't bukas ang iyong Account; at

(g)           tinitiyak mong ang impormasyon sa iyong Account (kabilang ang iyong profile) ay tumpak at regular na ina-update sa anumang nauugnay na mga pagbabago.

5.2          Dapat kang direktang mag-sign up sa amin (sa pamamagitan ng aming Website o App) para magamit ang Mga Serbisyong ito. Kapag nagsa-sign up, dapat mong ibigay ang mga sumusunod:

(a)           buong legal na pangalan;

(b)           valid at gumaganang email address;

(c)           anumang iba pang impormasyong hihilingin namin bilang bahagi ng proseso sa pag-sign up (gaya ng natatanging numero ng pagkakakilanlan ng empleyado, numero ng pagkakakilanlan ng mag-aaral, o numero ng pagkakakilanlan ng membership, kung hihilingin).

5.3          Ginagarantiya mo na ang lahat ng impormasyong ibinigay mo sa amin noong nag-register ka ng Account ay tama at tumpak. Dapat mo kaming sabihin kung ang alinman sa impormasyong ibinigay mo sa amin kaugnay ng iyong Account ay magbabago sa kailanman sa termino ng Tuntunin ng Paggamit na ito.

5.4          Nakalaan sa amin ang karapatan, sa aming ganap na pagpapasya, na tanggihan ang pag-register ng sinumang posibleng User, kung tatanggi ang posibleng User na iton na magbigay ng anumang detalyeng hinihingi alinsunod sa Tuntunin ng Paggamit na ito o kung may dahilan kaming paniwalaan na ang anumang detalyeng ibinigay ay sinadyang mali o kung hindi naman ay hindi tumpak.

5.5          Sa paggawa ng Account, dapat kang gumawa gn User name (na iyong email address) at password na dapat sumunod sa aming mga ipinag-aatas sa seguridad (na posibleng nauugnay sa feature na isang pag-sign on na pinapahintulutan ng iyong Sponsor na Organisasyon). Ang iyong Account ay personal at hindi naililipat, at dapat mong panatilihing kumpidensyal ang iyong User name at password sa lahat ng pagkakataon. Responsable ka para sa anumang pag-abuso o maling paggamit ng iyong Account at dapat mong iulat kaagad sa amin ang anumang aktuwal o pinaghihinalaang pag-abuso o maling paggamit ng iyong Account. Nakalaan sa amin ang karapatang suspindihin o tapusin ang iyong Account anumang oras, kasama ang dahil sa mga layuning pagseguridad.

5.6          Puwede ka lang magkaroon ng isang Account; ang pag-register ng pangalawang Account ay magiging dahilan ng pagtatapos ng lahat ng Account na nauugnay sa iyo o benepisyal na kinokontrol mo, at nakalaan sa amin ang karapatang tapusin ang anumang benepisyong naipon mo o para sa iyong benepisyo kaugnay ng anumang nasabing Account nang walang paglipat o pagsasama bago ang pagtatapos. 

5.7          Hindi isinasaalang-alang ang anumang taliwas sa Tuntunin ng Paggamit na ito, kung sadya kang magbibigay ng hindi tumpak o nakakapanlinlang na impormasyon sa amin, o magsasagawa o mamamahala ka ng anumang mapanloko, kriminal, mapang-abuso, o hindi naaangkop na aktibidad sa pamamagitan ng Website o App, posible naming suspindihin o tapusin ang iyong Account nang walang pag-abiso at posibleng mawala sa iyo ang anumang halaga sa iyong CashBack Wallet o iyong Rewards Account. BUKOD PA RITO, KUNG MAGSASAGAWA O MAMAMAHALA KA NG ANUMANG MAPANLOKO, KRIMINAL, MAPANG-ABUSO, O HINDI NAAANGKOP NA AKTIBIDAD SA PAMAMAGITAN NG AMING WEBSITE O APP, NAKALAAN SA AMIN ANG KARAPATAN IBUNYAG ANG MGA NASANING AKTIBIDAD SA IYONG SPONSOR NA ORGANISASYON AT ANGKOP NA MGA AWTORIDAD, KASAMA ANG IYONG PARTIKULAR NA KAUGNAYAN SA ANUMANG NASABING AKTIBIDAD.

5.8          Hindi pinapayagan ng ilang Kasunduan sa SPO ang paggawa ng Mga Dependent User Account.  Sa ilang sitwasyon, maaaring mag-atas ang aming Kasunduan sa SPO sa iyong Sponsor na Organisasyon ng Mga Dependent User para gumawa ng mga limitado o pinaghihigpitang Account.  Ang isang limitado o pinaghihigpitang Account ay katulad ng isang karaniwang Account, pero hindi magagawa ng nauugnay na Dependent User na ma-access ang ilang feature o Serbisyo na sa Mga May Sponsor na User ng Sponsor na Organisasyon.  Halimbawa, hindi maa-access ng isang Dependent User ang feature na directory ng May Sponsor na Organisasyon sa aming App.

Seksyon 6. MGA USER NA NASA LABAS NG TERITORYO; MGA EXPATRIATE NA USER

6.1          Ang Mga Serbisyo (kabilang ang Website at App) ay nakadisenyo at para sa iyong pag-access at paggamit sa Teritoryong tinukoy sa Kasuduan sa SPO ng iyong Sponsor na Organisasyon.  Samakatuwid, ang Mga Serbisyong available sa Mga User sa Teritoryo ay posibleng hindi available o posibleng hindi gumana para sa Mga User sa labas ng Teritoryo. Puwedeng tukuyin ng iyong Sponsor na Organisasyon ang Teritoryo para sa iyo o puwede kang makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng Website at/o App.  Kinikilala mo at sumasang-ayon ka na:

(a)        hindi kami nagbibigay ng warranty na ang sinumang User na matatagpuan sa labas ng Teritoryo ay may kakayahang ma-access o gamitin ang lahat o alinman sa Mga Serbisyo o ang Website at/o App;

(b)       hindi kami nagbibigay ng warranty na ang Mga Serbisyo, Website o App ay sumusunod sa anumang batas o regulasyong naaangkop sa labas ng Teritoryo; at

(c)        wala kaming pananagutan sa iyo para sa anumang pagkawala, pinsala, gastos o gastos na natamo, natamo o binayaran mo bilang resulta ng anumang paghahabol na ang Mga Serbisyo, Website o App ay hindi gumaganap o gumagana alinsunod sa Mga Tuntuning ito ng Ang paggamit sa may-katuturang lokasyon sa labas ng Teritoryo o na ang Mga Serbisyo, Website o App ay hindi sumusunod sa anumang batas o regulasyong naaangkop sa labas ng Teritoryo at ang anumang naturang kabiguang gumanap at/o gumana ay hindi bubuo ng isang paglabag sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito.

6.2          Kung isa kang expatriate ng iyong Sponsor na Organisasyon o kung nakatira ka dito (pansamantala o permanente sa labas ng Teritoryo):

(a)           puwede kang makakuha ng higit pang impormasyon tungkol sa availability ng at sa iyong access sa Website at/o App sa pamamagitan ng pagkikipag-ugnayan sa amin o sa iyong Sponsor na Organisasyon;

(b)           ang iyong paggamit at pag-access sa Website o App ay ituturing mo at namin na ginawa sa loob ng Teritoryo, alinsunod sa anumang karagdagang probisyong naaangkop sa itatakda mo sa Appendix 3 ng Tuntunin ng Paggamit na ito; at

(c)           maliban sa mga alok na available sa aming mga third-party na vendor at partner (gaya ng Mga Retailer), o kapag ipinagbabawal ng batas o regulasyong nauugnay sa labas ng Teritoryo, nang may mabuting hangarin, gagamit kami ng mga komersyal na makatarungang pagsisikap para gawing available sa iyo ang lahat ng Serbisyo.

Seksyon 7. PROTEKSYON AT PRIVACY NG DATA

7.1          Ang Tuntunin ng Paggamit na ito, pati ang Mga Tuntunin ng Paggamit ng aming Website, ang aming Patakaran sa Privacy at Cookie (na ang bawat isa ay available sa www.help.lifeworks.com, na babaguhin din pana-panahon) ang sumasaklaw sa aming pangongolekta, mga obligasyon sa pagiging kumpidensyal, paggamit, pagbubunyag, pagpapanatili, at pagsira ng anumang Personal na Impormasyong isusumite mo sa TELUS Health sa pamamagitan ng Website at/o App, kasama ang anumang Personal na Impormasyon nabuo mo sa pamamagitan ng paggamit ng Mga Serbisyo.  Pakisuri ang at mangyaring sumangguni sa aming Patakaran sa Privacy dahil mayroon itong mahalagang impormasyong dapat mong malaman tungkol sa iyong data at iba pang personal na impormasyon tungkol sa iyo. 

7.2          SUBJECT SA NAAANGKOP NA BATAS, PUWEDE MONG BAWIIN ANG IYONG PAHINTULOT SA AMING PANGONGOLEKTA, PAGGAMIT, PAGPROSESO, PAGBUBUNYAG, PAGPAPANATILI AT/O PAGSIRA NG ITONG PERSONAL NA IMPORMASYON SA PAMAMAGUTAN NG PAGPILI NA HINDI MAG-REGISTER NG ACCOUNT, AT SAMAKATUWID AY HINDI PAG-ACCESS SA ANUMAN SA MGA SERBISYO. KAPAG IBINIGAY MO ANG IYONG PAHINTULOT SA TELUS HEALTH, PUWEDE MONG BAWIIN ANG IYONG PAHINTULOT NANG BUO O NANG HINDI KUMPLETO, ANUMANG ORAS, PERO ANG ANUMANG PAGBAWI NG IYONG PAHINTULOT AY MAKAKAAPEKTO SA MGA SERBISYONG NAIBIBIGAY SA IYO NG TELUS HEALTH, AT POSIBLENG MAKALIMITA SA IYONG KAKAYAHANG GUMAMIT NG MGA FEATURE SA WEBSITE AT/O SA APP. KUNG BABAWIIN MO NANG GANAP ANG IYONG PAHINTULOTF, PUWEDE NAMING AGARANG TAPUSIN ANG IYONG ACCOUNT.

7.3          MALIBAN NA LANG KAPAG IPINAGBABAWAL O NILILIMITAHAN NG BATAS, SA PAMAMAGITAN NG PAGGAWA NG ACCOUNT AT PAGSANG-AYON SA TUNTUNIN NG PAGGAMIT NA ITO, HINDI MO INIUUGNAY ANG TELUS HEALTH SA ANUMAN O LAHAT NG PANANAGUTANG DAHILAN NG AMING PANGONGOLEKTA, PAGGAMIT, PAGBUBUNYAG, AT/O PAGSIRA NG IYONG PERSONAL NA IMPORMASYON ALINSUNOD SA MGA TUNTUNIN NG USER NA ITO, AT SA AMING PATAKARAN SA PRIVACY (ISANG KASALUKUYANG KOPYA NITO ANG AVAILABLE SA WWW.LIFEWORKS.COM).

Seksyon 8. MGA RETAILER

8.1          Bilang bahagi ng Mga Serbisyo, posible kaming magbigay (sa pamamagitan ng Website o App) ng mga link sa mga website ng isa o higit pang kalahok na Retailer ng mga produkto o serbisyo. Puwedeng pana-panahong magbago ang numero at pagkakakilanlan ng Mga Retailer, sa aming pagpapasya, at ang paglahok ng sinumang Retailer ay hindi ituturing na isang pag-eendorso namin sa nasabing Retailer. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga link sa web sa aming Website o App, puwede mong piliing bumili ng mga produkto o serbisyo, o kumuha ng Reason Code para sa pag-redeem sa mga pagbili mula sa pinag-uusapang Retailer. Ang anumang bibilhin mo mula sa isang Retailer ay mapapailalim sa mga tuntunin at kundisyon nito, at responsibilidad mo bilang consumer na suriin nang husto ang mga tuntunin at kundisyong iyon.  Hinggil sa Mga Retailer, kinikilala mo at sumasang-ayon ka na:

(a)           hindi kami magiging responsable para sa anumang pagkilos o hindi pagkilos ng Retailer;

(b)           hindi namin ineendorso ang mga produkto o serbisyong ginagawang available ng Retailer, at responsibilidad mo ang pagkakontento ng iyong sarili pagdating sa kalidad at pagiging napapanatili ng mga nasabing produkto at serbisyo, ang mga partikular na tuntunin ng pagbebenta nila, at ang pagiging maaasahan at katapatan ng Retailer;

(c)           ang anumang impormasyong nasa Website o sa App hinggil sa isang Retailer (ang “Impormasyon ng Retailer”) ay ibinibigay ng Retailer, bumubuo ng pagkakatawan ng Retailer na iyon, at ganap na responsibilidad ng Retailer na iyon;

(d)           hindi kami responsable sa anumang Impormasyon ng Retailer;

(e)           kung gusto mong bumili ng mga produkto o serbisyo, o kumuha ng Reason Code para sa pag-redeem ng mga pagbili mula sa isang Retailer: (1) ang iyong pagbili ay magiging alinsunod sa kontrata sa pagitan mo at ng Retailer lang, sa mga tuntuning pinagkasunduan mo at ng Retailer; at (2) hindi bahagi ang TELUS Health ng nasabing kontrata at hindi rin magiging responsable sa anumang paraan sa pagtiyak sa performance ng Retailer alinsunod sa kontratang iyon o sa kalidad o kaligtasan ng anumang produkto o serbisyong natanggap mo mula sa Retailer, kasama ang alinsunod sa kontratang iyon;

(f)            ang aming obligasyon na magbayad ng anumang CashBack sa iyo na nauugnay sa iyong pagbili ng mga kwalipikadong produkto o serbisyo mula sa isang Retailer ay nakadepende sa Retailer na magbabayad muna sa amin ng naaangkop na Komisyon ng Retailer (tingnan ang Seksyon 9.1 ng Tuntunin ng Paggamit na ito), at hindi kami magkakaroon ng responsibilidad o pananagutan sa pagtitiyak ng pagbabayad sa iyo (o pagkakaroon ng responsibilidad na saklawin ang anumang hindi pagbabayad sa amin) ng naaangkop na Komisyon ng Retailer mula sa Retailer patungo sa amin (bagama't hindi nito nababago o nalilimitahan ang aming hayagang obligasyon alinsunod sa Tuntunin ng Paggamit na ito na bayaran ka ng naaangkop na CashBack na resulta ng Komisyon ng Retailer na aktuwal na nabayaran sa amin sa mga malinaw na pondo); at

(g)           kung sakaling magkakaroon ng anumang problema sa anumang produkto o serbisyong binili mula sa isang Retailer, ang lahat ng tanong at hindi pagkakaunawaan na nauugnay sa mga may sirang produkto o serbisyo ay dapat idirekta sa pinag-uusapang Retailer, maliban na lang kung para sa mga tanong na ganap na nauugnay sa CashBack, na dapat idirekta sa TELUS Health sa pamamagitan ng pagpapdala ng email sa support@lifeworks.com.

Seksyon 9. CASHBACK (NAAANGKOP LAMANG KUNG SAAN AVAILABLE SA IYONG BANSA AT NAKA-SUBSCRIBE NG IYONG SPONSORING ORGANISATION)

9.1          Kapag ginagamit ang Website o ang App, magagawa mong makita ang halaga ng CashBack na available para sa isang partikular na transaksyon sa isang Retailer. Ang halaga ng CashBack na available ay pana-panahong mag-iiba, at dedepende sa tinukoy na transaksyon. Ang CashBack na babayaran namin sa iyo kaugnay ng anumang kwalipikadong transaksyong pinasok mo kasama ng isang Retailer ay kumakatawan sa isang bahagi ng halagang dapat bayaran sa amin (ang aming “Komisyon ng Retailer”) sa pamamagitan ng o sa ngalan ng nauugnay na Retailer alinsunod sa mga tuntunin ng kasunduan sa pagitan namin at ng Retailer (o mga sub-contractor nito) hinggil sa kwalipikadong transaksyon sa pagitan mo at ng Retailer na iyon. Ang aming obligasyong magbayad ng CashBack sa iyo ay ganap na nakatakda sa Tuntunin ng Paggamit at walang nang iba pang dokumento o pamamaraan.

9.2          Aabisuhan ka namin at ang ike-credit ang iyong CashBack wallet (iyong “CashBack Wallet”) kapag natanggap namin ang Komisyon ng Retailer mula sa naaangkop na Retailer hinggil sa kwalipikadong transaksyon sa pagitan mo at ng Retailer na iyon. Kapag naabisuhan ka nang may available na CashBack sa iyo, puwede mong i-withdraw ang CashBack sa pamamagitan ng pag-abiso sa amin alinsunod sa Tuntunin ng Paggamit at sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin sa Website o App; nang isinasaalang-alanggayunpaman, na ang iyong CashBack Wallet ay dapat mayroong hindi bababa sa $5.00 (ang “Minimum na Halaga”) bago ang anumang pag-withdraw.  Bagama't iba't iba ang mga halaga ng CashBack, ang minimum na halaga ng CashBack na puwede mong i-withdraw ay ang Minimum na Halaga.

9.3          Ang lahat ng pag-withdraw sa CashBack Wallet ay babayaran sa isang valid na PayPal account na itinalaga mo o ibang opsyon sa pagbabayad o pag-redeem gaya ng posible naming ialok sa iyo nang pana-panahon, sa aming ganap na pagpapasya; nang isinasaalang-alaga, gayunpaman, na nakalaan sa aming ang karapatang baguhin ang singil sa pag-withdraw kung mag-aalok kami ng anumang paraan ng pag-withdraw ng cash mula sa iyong CashBack Wallet.  Aabisuhan ka tungkol sa mga nasabing singil sa pag-withdraw bago ka singilin. Kapag humihiling ng pag-withdraw, dapat kang magbigay ng mga detaltye ng PayPal account na gusto mong makatanggap ng mga pag-withdraw ng CashBack (ang iyong “Kagustuhan sa CashBack”). Puwede mong i-withdraw ang ilan o lahat ng available na CashBack sa iyong CashBack Wallet gamit ang iyong Kagustuhan sa CashBack anumang oras, alinsunod sa mga probisyon ng Seksyon 9 na ito. Kung naka-enable bilang bahagi ng mga detalye ng iyong Account, puwede mo ring piliing awtomatikong mag-withdraw ng CashBack. Responsibilidad mong tiyakin na ang iyong Kagustuhan sa CashBack ay may mahusay na katayuan at makakatanggap ng mga pag-withdraw ng CashBack (kasama ang mga awtomatikong pag-withdrawal) habang aktibo ang iyong Account.  KINIKILALA MO NA KUNG MAGBIBIGAY KA NG MGA MALINGE DETALYE PARA SA IYONG KAGUSTUHAN SA CASHBACK, ANG ANUMANG BAYAD SA PINILING ACCOUNT NA IYON AY HINDI NA MAIBIBIGAY MULA AT ITUTURING NAMING NABAYARAN NA NANG BUO.

9.4          Kinikilala mo at sumasang-ayon ka na ang CashBack ay magiging available lang kaugnay ng (a) mga partikular na pagbili na idinisenyo ng Retailer kung saan kumukumpleto ka ng nauugnay na pagbili online sa pamamagitan ng direktang pagbisita sa website ng Retailer sa pamamagitan ng naaangkop na link mula sa Website o App, (b) ilang partikular na pagbili ng mga gift card sa pamamagitan ng link mula sa Website o App, o (c) kapag tuwirang idinedetalye sa isang partikular na deal sa Website o App.

9.5          Walang CashBack ang magiging available o babayaran sa iyo (at, kung babayaran sa amin ang naaangkop na Komisyon ng Retailer, mapupunta ito sa amin) kapag:

(a)           ang CashBack account ay walang hindi bababa sa Minimum na Halaga;

(b)           ang iyong pagbili ay ginawa sa anumang iba pang paraan (kasama ang mga pagbili sa pamamagitan ng telepono o mail, o sa pamamagitan ng pag-access ng website ng Retailer maliban sa mga paraang naaangkop sa web-link na naka-embed sa Website o App);

(c)           nakansela ang iyong transaksyon para sa anumang dahilan pagtapos itong nasakatuparan, kabilang ng Retailer, at kasama ang mga sitwasyon kung saan ang mga naaangkop na produkto ay ibinalik sa Retailer;

(d)           ang iyong pagbili ay nagawa mo o sa iyong ngalan sa mapanlokong paraan, o para sa benepisyo ng sinupaman maliban sa iyo bilang karapat-dapat na User patungkol sa nasabing transaksyon;

(e)           kami o ang Retailer ay may makatuwirang dahilan para paghinalaang ang iyong pagbili ay nagawa sa mapanlokong paraan;

(f)            sa aming sariling pagpapasya, masasabi namin na ang CashBack ay maling naibigay sa iyo;

(g)           hindi aktibo ang iyong Account sa loob ng hindi bababa sa 12 buwan;

(h)           natuklasan namin na hindi mo natutugunan, o huminto ka sa pagtugon sa mga pamantayan para maging kwalipikado na itinakda sa Seksyon ng Tuntunin ng Paggamit na ito; o

(i)            ang iyong Account ay naka-deactivate para sa anumang dahilan (kasama ang kapag na-expire ang Kasunduan sa SPO, o kapag winakasan namin o ng iyong Sponsor na Organisasyon ang Kasunduan sa SPO para sa anumang dahilan) at nabigo kang kunin ang natitirang CashBack sa iyong CashBack Wallet sa loob ng nakatakdang limitasyon ng panahon na nakatakda sa Seksyon 21.5 ng Tuntunin ng Paggamit na ito.

9.6          Posible kaming magbigay ng functionality na nagbibigay-daan sa iyong mag-link ng partikular na credit card o debit card sa iyong Account, at iaabiso sa iyo sa pamamagitan ng Website o App ang mga kwalipikadong transaksyon sa Mga Retailer gamit ang card na iyon na puwedeng mag-trigger ng mga partikular na deal sa CashBack. Responsibilidad mong tiyaking mga awtorisadong indibidwal lang ang gagamit ng credit card o debit card na naka-link sa iyong Account.

9.7          Kinikilala mo at sumasang-ayon ka na:

(a)           ang pagsubaybay ng mga halaga na dapat i-credit sa iyong CashBack Wallet ay nag-aatas sa amin na umasa sa mga third-party system na ginagamit ng Retailer, at wala kaming kontrol dito, at kung saan kinakailangan ang aming pagbabahagi ng kahit ilan sa iyong Personal na Impormasyon sa Mga Retailer (kasama ang sa pamamagitan ng mga nasabing third-party system); at

(b)           ang iyong karapatan sa CashBack ay piwedeng maapektuhan (at, sa ilang kaso, mapigilan sa pangkalahatan) ng ilang partikular na setting o produktong software na naka-install sa iyong computer o mobile device na pumipigil sa Retailer sa pagsubaybay ng iyong mga pagkilos, gaya ng pag-block ng cookies o paggamit ng anonymiser para i-access ang iyong Account o ang website ng Retailer.

9.8          Kung dahil sa isang teknikal na pagkabigo sa mga system ng Retailer, o incompatibility sa mga setting sa iyong computer o mobile device, ay mapipigilan ang Retailer sa pagsubaybay ng transaksyon kung saan kwalipikado ka para sa nauugnay na CashBack, posibleng hindi maging available sa iyo ang naaangkop na CashBack mula sa amin at posibleng hindi ito mabayaran sa iyo. Kung makakatanggap kami ng Komisyon ng Retailer mula sa isang Retailer na hindi wastong naibigay sa isang kwalipikadong transaksyon sa isang nauugnay na User, mapupunta sa amin ang naaangkop na CashBack.

9.9          Ang kakayahan mong mag-withdraw ng CashBack ay napapailalim sa pagtanggap muna namin ng bayad sa mga na-clear na pondo ng naaangkop na Komisyon ng Retailer mula sa naaangkop na Retailer. Kinikilala mo at sumasang-ayon ka na:

(a)           wala kaming responsable o pananagutan sa iyo para sa pagtitiyak ng bayad sa amin ng anumang Komisyon ng Retailer ng sinumang Retailer;

(b)           kapag ang isang Komisyon ng Retailer ay nakatakdang bayaran sa amin ng isang Retailer, posible itong abutin (sa mga normal na sitwasyon) nang hanggang 90 araw bago namin matanggap ang bayad ng Komisyon ng Retailer mula sa Retailer, pero depende ito sa partikular na nauugnay na Retailer at madalas, ang inaabot na panahon para makapagbayad sa amin ang Retailer ng Komisyon ng Retailer ay posibleng lumampas ng 90 araw; at

(c)           hindi kami magkakaroon ng obligasyong singilin ang isang Retailer para sa bayad ng anumang Komisyon ng Retailer, pero sa ganap naming pagpapasya ay puwede naming piliing gawin ito (bagama't hindi namin ito karaniwang ginagawa hangga't hindi lumilipas ang 90 araw mula noong mangyari ang kwalipikadong pagkilos na naging dahilan ng pagkakaroon ng pinag-uusapang Komisyon ng Retailer). Sa iyong sariling gastos at pagpapasya, puwede mong piliin na singilin ang isang Retailer para sa CashBack na posibleng karapatan mong matanggap nang direkta, kasama ang walang limitasyon, kapag natukoy naming hindi singilin ang isang Retailer para sa bayad ng anumang Komisyon ng Retailer na dapat bayaran nang buo o nang hindi kumpleto bilang CashBack sa iyo; nang isinasaalang-alang, gayunpaman, na hindi ka kailanman magkakaroon ng awtorisasyong mamilit na isa kang third-party na benepisyaryo ng anumang kasunduan sa pagitan namin ng sinumang Retailer.

9.10       Kung dahil sa isang teknikal, administratibo, o iba pang error, ay lumampas sa tamang halaga ang balanse ng CashBack sa iyong CashBack Wallet, dapat mo itong ipaalam sa amin kaagad. Hindi ka pinapahintulutang i-withdraw ang CashBack na hindi mo karapat-dapat matanggap, at nakalaan sa amin ang karapatan na ibawas ang mga nasabing hindi kwalipikadong pag-withdraw sa CashBack sa iyo sa hinaharap na posibleng kwalipikado mong matanggap.

9.11       Sa aming sariling pagpapasya, at alinsunod sa Kasunduan ng SPO sa iyong Sponsor na Organisasyon o sa Mga Serbisyo kung saan naka-subscirbe ang iyon Sponsor na Organisasyon, puwede kaming pana-panahong mag-alok sa ilang partikular na User ng mga pinahusay na programa sa CashBack o iba pang espesyal na deal. Ang anumang nasabing pinahusay na programa sa CashBack ay babayaran buwan-buwan sa mga arrear at magiging available para sa pag-withdraw mula sa CashBack Wallet ng User pagkatapos kumpirmahin ng naaangkop na Retailer ang pagkakumpleto ng kwalipikadong transaksyon ng User.

9.12       Nakalaan sa amin ang karapatang kanselahin o bawiin ang anumang pinahusay na CashBack na ginawang available sa CashBack Wallet ng isang User kung ang kwalipikadong transaksyon ay babaguhin dahil sa isang pagbabalik o pag-refund, o makatuwiran naming pinaghihinalaan ang pagkakaroon ng mapanlokong aktibidad.

9.13       Maliban na lang kung tuwirang binanggit na taliwas sa Tuntunin ng Paggamit na ito, ang lahat ng tuntuning nalalapat sa CashBack ay dapat malapat din sa pinahusay na CashBack.

9.14       Nakalaan sa amin ang karapatang palitan, baguhin, i-withdraw, wakasan, o kung hindi naman ay kanselahin ang anumang alok ng pinahusay na CashBack sa aming pagpapasya anumang oras; nang isinasaalang-alang, gayunpaman, na hindi ito makakaapekto sa karapatan ng User sa anumang pinahusay na CashBack na na-credit sa iyong CashBack Wallet bago ang petsa ng aming modipikasyon, pagbabago, pag-withdraw, pagwawakas, o pagkansela.

Seksyon 10. MGA REWARD- MGA TUNTUNING NAAANGKOP SA MGA USER (NAAANGKOP LAMANG KUNG SAAN AVAILABLE SA IYONG BANSA AT NAKA-SUBSCRIBE NG IYONG SPONSORING ORGANISATION)

10.1       Mga Spot Reward.  Kung nag-subscribe ang iyong Sponsor na Organisasyon para sa Mga Spot Reward:

(a)           Puwedeng ilaan ng iyong Sponsor na Organisasyon ang isang Spot Reward sa iyo nang pana-panahon mula sa isang account na pinopondohan ng iyong Sponsor na Organisasyon.  Ang Mga Spot Reward ay posibleng ibigay sa mga denominasyong mula $10 hanggang $500 (o anumang iba pang denominasyon na gagawin naming available sa iyong Sponsor na Organisasyon alinsunod sa Kasunduan sa SPO nang pana-panahon). Kung maglalaan ang iyong Sponsor na Organisasyon ng Spot Reward sa iyo, aabisuhan ka namin sa pamamagitan ng email o, kung hindi naman, sa pamamagitan ng push notification kung ang iyong device ay naka-set up na tumanggap at magpakita ng mga ganitong push notification.

(b)           Kapag nalaan sa iyong Account ang isang Spot Reward, matatanggap mo ang Spot Reward na iyon bilang credit sa rewards account na nauugnay sa iyong Account (ang iyong “Rewards Account”).  DAPAT I-REDEEM ANG MGA SPOT REWARD SA LOOB NG 12 BUWAN MULA SA PAGLALAAN SA IYONG ACCOUNT. ANG ANUMANG SPOT REWARD NA NALAAN SA IYO AT HINDI NA-REDEEM SA LOOB NG 12 BUWANG PANAHON AY MAG-E-EXPIRE AT MAPUPUNTA SA AMIN ANG MGA NAUUGNAY NA PONDO.  KUNG ISASARA MO ANG IYONG ACCOUNT PARA SA ANUMANG DAHILAN, MAGKAKAROON KA NG 90 ARAW MULA SA PETSA NG PAGSASARA PARA I-REDEEM ANG ANUMANG SPOT REWARD SA IYONG REWARDS ACCOUNT, AT PAGKATAPOS NITO ANG ANUMANG HINDI NA-REDEEM NA SPOT REWARD AY MAPUPUNTA SA AMIN. Sa ganitong sitwasyon, hindi kami magkakaroon ng higit pang pananagutan sa iyo hinggil sa nauugnay na Spot Reward. Puwede kang mag-redeem ng Mga Reward sa iyong Rewards Account alinsunod sa Seksyon 10.6(b) sa ibaba. 

(c)           Puwede kang mabuwisan sa Mga Spot Reward at puwede itong mapailalim sa iba pang mga withholding na ipinag-aatas na ipinapatupad ng mga lokal na awtoridad sa pagbubuwis sa iyo o sa iyong Sponsor na Organisasyon.  Ang TELUS Health ay hindi gumagawa ng anumang pagkakatawan o garantiya tungkol sa anumang ipinag-aatas sa buwis o resulta sa buwis na posible o posibleng hindi malapat sa Mga Spot Reward.

10.2       Mga Error sa Spot Reward.  Kung ang isang Spot Reward ay inilaan sa iyong Account bilang resulta ng aming error:

(a)           Nakalaan sa amin ang karapatan na bawiin ang buong Spot Reward anumang oras doon mismo, nang walang paunang pag-abiso sa iyo at hindi ka magiging kwalipikadong i-redeem ang nauugnay na Spot Reward.

(b)           Kung ang error ay maling denominasyon (i) nakalaan sa amin ang karapatan na bawiin ang bahagi ng Spot Reward na lampas sa wastong denominasyong inilaan ng iyong Sponsor na Organisasyon, at (ii) iwawasto namin ang anumang kulang na paglalaan kapag nakumpirma ang aming kulang na paglalaan mula sa iyong Sponsor na Organisasyon. 

(c)           Aabisuhan ka namin sa lalong madaling panahon kapag makatuwiran nang gawin ito. Kung sa panahon ng aming abiso ay na-redeem mo na ang Spot Reward, hindi na kami magkakaroon ng obligasyong ibigay ang iyong piniling Opsyon sa Pag-redeem (Ang paraan na iyong pinili para matanggap ang iyong reward, gaya ng gift card). Kung naipadala na namin ang Opsyon sa Pag-redeem sa iyo, puwede naming hilingin sa iyo na ibalik ito sa amin, kung saan dapat mo itong ibalik sa amin sa aming paggastos, sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng aming nakasulat na paunawa na humihiling sa iyo na gawin ito.  Kapag naaangkop, sa pagtanggap ng ibinalik na Opsyon sa Pag-redeem, muli naming ilalaan ang Spot Reward sa iyo sa wastong denominasyon nang may bisa mula sa petsang iyon.

10.3       Mga Pagbabago sa Programa sa Mga Spot Reward.  Alinsunod sa Kasunduan sa SPO, sa aming pagpapasya ay puwede naming suspindihin o hindi ipagpatuloy ang programa sa Mga Spot Reward na naaangkop sa iyo sa anumang panahon at sa anumang dahilan. Kapag posible, aabisuhan ka namin nang maaga.  Kung sususpindihin o ihihinto namin ang programa sa Mga Spot Reward na naaangkop sa iyo, ang iyong tangi at eksklusibong remedyo ay puwede naming iwan ang iyong Mga Spot Reward sa iyong Rewards Account o, sa aming sariling pagpapasya at ganap na pagpapasya, puwede naming ilapat ang Mga Spot Reward mo sa iyong CashBack Wallet.

10.4       Mga Well-Being Reward.  Kung nag-subscribe ang iyong Sponsor na Organisasyon para sa Mga Well-Being Reward:

(a)           Puwede kang magkakuha ng Mga Well-Being Reward sa pamamagitan ng pagtapos ng mga nakatalagang aktibidad sa Website o App (halimbawa, pagtapos ng questionnaire sa pagsusuri sa panganib sa kalusugan, pagbasa ng snackable content, o paglahok sa isang hamon).  Para sa isang buong listing ng Mga Well-Being Reward, kasama ang mga puntos kada aktibidad, tier ng reward, at iba pang insentiba at hamon, sumangguni sa help.lifeworks.com.  Posible naming baguhin ang mga puntos, tier, aktibidad, hamon, o iba pang elemento ng programa ng Mga Well-Being Reward nang pana-panahon ayon sa aming pagpapasya, kasama ang pagtuon sa Mga User pagdating sa mga partikular na layunin o bilang pagtugon sa pinagsama-samang experience data ng User o iba pang feedback na natatanggap namin.  Puwedeng iba't iba ang mga puntos, tier, aktibidad, hamon, o iba pang elemento ng programa ng Mga Well-Being Reward.  Ang iyong Sponsor na Organisasyon ay puwede ring gumawa ng mga partikular na aktibidad para sa kanilang mga empleyado para makakuha ng mga karagdagang Well-Being Reward. 

(b)           Kapag nakakuha ka ng Mga Well-Being Reward, matatanggap mo ang Well-Being Reward na iyon bilang credit sa iyong Rewards Account.  Puwede kang mag-redeem ng Mga Reward sa iyong Rewards Account alinsunod sa Seksyon 10.6(b) sa ibaba.

10.5       Iba pang Programa sa Mga Reward.  Pana-panahon ay puwede kaming bumuo ng iba pang programa sa Mga Reward at ialok ang mga ito sa Mga Sponsor na Organisasyon.  Kung nag-subscribe ang iyong Sponsor na Organisasyon para sa isa o higit pa sa mga programa sa Mga Reward na ito (sa pangkalahatan, “Iba pang Reward”), posibleng hilingin s aiyo na ibigay ang iyong pahintulot sa isang hiwalay na hanay ng mga tuntunin at kundisyong naaangkop sa mga nasabing programa sa Iba pang Reward.  Kapag nakaipon, nakakuha, o nakatanggap ka ng Ibang Reward, ilalaan ang iyong Ibang Reward sa iyong Account at matatanggap mo ang Ibang Reward na iyon bilang mga credit sa iyong Rewards Account.  Puwede kang mag-redeem ng Ibang Reward sa iyong Rewards Account alinsunod sa Seksyon 10.6(b) sa ibaba.

10.6       Paano Mag-redeem ng Mga Reward.

(a)           Puwede kang mag-redeem ng anumang Reward sa iyong Rewards Account sa pamamagitan ng pagpili ng opsyon sa pag-redeem sa Website o App (isang “Opsyon sa Pag-redeem”) at pagsunod sa mga hinihiling, tagubilin, at paghihigpit na naaangkop[ sa nasabing Opsyon sa Pag-redeem.  Pinal na ang iyong pipiliin. Kapag nakapili ka na ng Opsyon sa Pag-redeem, hindi ka na puwedeng magbago, magkansela, o humingi ng refund para sa iyong pinili.  Gayunpaman, kung pumili ka ng Opsyon sa Pag-redeem at naging hindi available ang Opsyon sa Pag-redeem na iyon para sa anumang dahilan, aabisuhan ka namin at magkakaroon ka ng karapatang pumili ng ibang Opsyon sa Pag-redeem, na iyong magiging pansarili at eksklusibong remedyo sa mga sitwasyong ito.  Hindi nata-transfer ang Mga Opsyon sa Pag-redeem at hindi puwedeng i-redeem ng cash.

(b)           Ibabawas namin ang binanggit na halaga ng iyong piniling Opsyon sa Pag-redeem mula sa iyong Rewards Account. Electroniko naming ipapadala ang pinili mong Opsyon sa Pag-redeem sa email address na kasalukuyang naka-link sa iyong Account. Ang tagal na pagpapadala ay magiging iba-iba depende sa pinili mong Opsyon sa Pag-redeem (at posibleng maging depende rin sa Retailer o iba pang vendor ng iyong Opsyon sa Pag-redeem), pero sisikapin naming ipadala ang Opsyon sa Pag-redeem sa loob ng 14 araw mula sa petsa ng iyong pag-redeem.

(c)           Puwedeng pana-panahong magbago ang iba't ibang Opsyon sa Pag-redeem na available para sa iyo; hindi namin ginagarantiya na ang anumang pana-panahong available na Opsyon sa Pag-redeem sa aming Website o App ay palaging magiging available at nakalaan sa amin ang karapatan na hinto ang pag-aalok o palitan ang anumang Opsyon sa Pag-redeem na iniaalok sa aming Website o App anumang oras, kasama ang kapag hindi pa naibigay ang piniling Opsyon sa Pag-redeem, sa aming pansariling pagpapasya.

(d)           Ang Mga Opsyon sa Pag-redeem na binubuo ng mga gift card o experience voucher ay napapailalim sa mga naaangkop na batas at anumang iba pang tuntunin at kundisyong naaangkop sa mga nasabing gift card o experience voucher ng naaangkop na Retailer, kabilang ang mga petsa sa pag-expire o iba pang limitasyong ipinapataw ng naaangkop na Retailer.  Wala kaming kontrol sa Mga Retailer, at wala kaming pananagutan sa iyo o anupaman hinggil sa mga tuntunin at kundisyon ng sinumang Retailer o mga hinihiling o obligasyon ng simumang Retailer hinggil sa mga petsa ng pag-expire alinsunod sa naaangkop na batas.  MAYROON KANG PANSARILING RESPONSIBILIDAD NA BASAHIN AT UNAWAIN ANG ANUMANG DOKUMENTASYON O IPINAG-AATAS NA GINAWANG AVAILABLE SA IYO NG MGA RETAILER, PARTIKULAR NA ANG KAUGNAY SA ANUMANG PETSA NG PAG-EXPIRE NA POSIBLENG MALAPAT SA MGA PRODUKTO O SERBISYO NG NASABING RETAILER.

(e)           Hinggil sa Mga Retailer, kinikilala mo at sumasang-ayon ka na:

  • Hindi magiging responsable ang TELUS Health para sa anumang pagkilos, hindi pagkilos, o default ng Retailer;
  • hindi namin ineendorso ang mga produkto o serbisyong ginawang available ng Retailer;
  • responsibilidad mong mapasaya ang iyong sarili hinggil sa kalidad at pagiging napapanatili ng nasabing mga produkto o serbisyo para sa iyong mga partikular na pangangailangan, partikular na tuntunin sa alok ng nasabing Retailer, at pagiging mapagkakatiwalaan at pagiging matapat ng Retailer; at
  • ang anumang impormasyon lalabas sa Website o App na ibinigay ng Retailer ay mananatiling pansariling responsibilidad ng Retailer na iyon.

(f)            Kung gagamitin mo ang iyong Opsyon sa Pag-redeem para bumili ng mga produkto o serbisyo mula sa isang Retailer:

  • ang iyong pagbili ay ibabatay lang sa kontrata sa pagitan mo at ng Retailer, at sa mga tuntuning pinagkasunduan mo at ng Retailer;
  • hindi kami magiging bahagi ng kontratang iyon at hindi kami magiging responsable sa anumang paraan sa pagtupad ng Provider sa kontratang iyon o sa kalidad o kaligtasan ng anumang nasabing produkto o serbisyong ibinebenta ng Provider; at
  • kung sakaling magkaroon ng problema sa anumang Opsyon sa Pag-redeem o produkto o serbisyong binili mo mula sa isang Provider, ididirekta mo ang lahat ng query sa pinag-uusapang Provider.

Seksyon 11. MGA REWARD - MGA TUNTUNING NAAANGKOP SA MGA SPONSOR NA ORGANISASYON AT KANILANG ADMINISTRATOR. (NAAANGKOP LAMANG KUNG SAAN AVAILABLE SA IYONG BANSA AT NAKA-SUBSCRIBE NG IYONG SPONSORING ORGANISATION)

11.1       Kinikilala mo at sumasang-ayon ka na para maging kwalipikadong makatanggap at mag-redeem ng Reward ang sinuman sa iyong Mga May Sponsor na User o kanilang Mga Dependent User, dapat matugunan ng nasabing  May Sponsor na User o Dependent User ang mga pamantayan para maging kwalipikado na nakatakda sa Seksyon 5.1 ng Tuntunin ng Paggamit  na ito, at ang pagtanggap at pag-redeem ng anumang Reward ng nasabing May Sponsor na User o Dependent User ay mapapailalim sa lahat ng oras sa ganap na pagsunod Tuntunin ng Paggamit ng nasabing May Sponsor na User o Dependent User.  Sa pamamagitan nito ay itinuturing kang may kaalaman sa mga paghihigpit at limitasyon sa Mga Reward sa naaangkop na May Sponsor na User, gaya ng nakatakda sa Seksyon 10, kasama nang walang limitasyon ang:

  • Seksyon 10.1(b) hinggil sa pag-expire ng mga hindi na-redeem na Spot Reward pagkalipas ng 12 buwan at pag-expire ng hindi na-redeem na Spot Rewards 90 araw pagkatapos ng pagsasara ng Account;
  • Seksyon 10.1(c) hinggil sa potensyal na resulta sa buwis ng Mga Spot Reward;
  • Seksyon 10.2 hinggil sa mga remendyong available sa May Sponsor na User para sa aming mga error sa paglalaan ng Mga Spot Reward;
  • Section 10.3 hinggil sa pagsuspinde o pagkansela ng programa sa Mga Spot Reward na naaangkop sa iyong Mga May Sponsor na User;
  • Seksyon 10.6(c) hinggil sa mga pagbabago sa availability ng Mga Opsyon sa Pag-redeem; at
  • Seksyon 10.6(d),10.6(e), at 10.6(f) hinggil sa aming limitadong kaugnayan at kontril sa Mga Retailer na nagbibigay ng Mga Opsyon sa Pag-redeem.

11.2       Ang Mga Sponsor na Organisasyon na nag-subscribe para sa Mga Spot Reward ay dapat mangasiwa sa programa sa Mga Spot Reward alinsunod sa mga tuntunin at kundisyong nakatakda sa Kasunduan sa SPO o sa anumang kasunduan sa pagitan ng Sponsor na Organisasyon at namin na nangangasiwa sa programa sa Mga Spot Reward.  Kung, bilang isang SPO Administrator, ay wala kang direktang Kasunduan sa SPO sa amin at natanggap mo ang aming Mga Serbisyo sa pamamagitan ng third-party na platform, ang ibig sabihin ay kinikilala mo at sumasang-ayon na ang higit pang probisyon ng Seksyon 11.2 na ito ay malalapat sa lahat ng oras sa iyong paggamit ng programang Mga Spot Reward:

(a)           Puwede mo lang ilaan ang iyong Mga Spot Reward sa isa o higit pang May Sponsor na User pagkatapos mong maglipat ng sapat na pondo sa amin at ang mga pondo ay makikita bilang available ma balanse sa Spot Rewards Account (ang “Spot Rewards Account”) ng iyong Sponsor na Organisasyon.

(b)           Para magdeposito ng mga pondo sa iyong Spot Rewards Account, dapat ka munang makipag-ugnayan sa amin para abisuhan kami tungkol sa mga detelaye ng deposito at makakuha ng natatanging reference number ng transaksyon. Dapat kang magsagawa ng bank transfer sa aming piniling bank account at i-reference ang natatanging reference number ng transaksyon sa iyong mga tagubilin sa pag-transfer. Kapag natanggap namin ang iyong mga na-clear na pondo, ilalapat namin ang mga pondong iyon (pagkatapos maglapat ng anumang singil sa pag-convert ng currency o iba pang nauugnay sa pag-transfer na singilin) sa iyong Spot Rewards Account, kung kailan lalabas ang mga pondo bilang available na balanse sa iyong Spot Rewards Account.  Ipoproseso namin ang iyong mga bayad sa lalong madaling panahon na makatuwirang gawin ito, pero kinikilala at tinatanggap mo na ang lahat ng deposito ay napapailalim sa mga proseso ng bangko at mga yugto ng panahon na hindi namin makokontrol.

(c)           Ang lahat ng pondo sa iyong Spot Rewards Account ay papangasiwaan namin sa iyong ngalan hanggang sa (i) ang iyong mga pondo ay naubos na bilang resulta ng iyong paglalaan ng Spot Rewards o (ii) i-withdraw mo ang mga pondo sa iyong Spot Rewards Account alinsunod sa Seksyon 11.2(g).

(d)           Kapag naglaan ka ng Spot Reward sa isang May Sponsor na User, ita-transfer namin ang mga pondong katumbas ng denominasyon ng Spot Reward mula sa iyong Rewards Account patungo sa indibidwal na Rewards Account ng naaangkop na May Sponsor na User (ang “Rewards Account ng May Sponsor na User”), at pagkatapos nito ay magpapatuloy na pangasiwaan ang mga nasabing pondo sa ngalan ng May Sponsor na User hanggang sa i-redeem ng May Sponsor na User ang Spot Reward o hanggang sa mag-expire ang Spot Reward o kung hindi naman ay bawiin o mapawalang-bisa alinsunod sa mga karagdagang probisyon ng Seksyon 11.

(e)           Para maglaan ng Spot Reward sa isang May Sponsor na User, dapat kang mag-log in sa iyong SPO Administrator account, piliin ang menu na Mga Spot Reward, piliin ang naaangkop na May Sponsor na User, piliin ang gustong denominasyon at isumite ang order.

(f)            Ang Mga Spot Reward na inilaan sa iyo ng May Sponsor na User ay hindi mo puwedeng kanselahin o muling ilaan pagkatapos mong masumite ang iyong mga opsyon sa paglalaan sa amin. Hindi kami tumatanggap ng anumang responsibilidad, o anupaman, para sa anumang pagkawalang nangyari sa iyo o ng sinumang May Sponsor na User na resulta ng anumang paglalaan ng Spot Reward, maliban na lang kung ang maling paglalaan ay resulta ng direktang error sa aming bahagi, dito ay susubukan naming i-recover ang maling nailaan na Spot Reward at/o muling ilaan ang nauugnay na Spot Reward sa tamang May Sponsor na User.  Sa anumang pangyayari, ang aming ganap na pananagutan ay magiging limitado sa sum equivalent ng denominasyon ng Spot Reward, o bahagi nito, na hindi wastong nailaan at idedeposito namin ang mga nasabing sum sa iyong Spot Rewards Account.

(g)           Puwede mong i-withdraw ang anumang hindi nailaang pondo mula sa iyong Spot Rewards Account anumang oras sa pamamagitan ng paggawa ng kahilingan sa pag-withdraw nang pasulat sa amin. Ita-transfer namin ang mga nauugnay na pondo sa pinili mong bank account ng Sponsor na Organisasyon, sa panahon ng kahilingan sa pag-withdraw. Gagamit kami ng mga komersyal na makatarungang pagpapasya para kumpletuhin ang pag-withdraw sa loob ng 14 na araw mula sa kahilingan sa pag-withdraw. Ang lahat ng pag-withdraw ay mapapailalim sa singil sa pagproseso na tinukoy sa iyong Kasunduan sa SPO, o kung hindi ito tinukoy, katumbas ng hindi bababa sa $100 o £100 (ayon sa naaangkop sa Teritoryong tinukoy sa Kasunduan sa SPA) o 10% ng mga pondong na-withdraw, alinman ang mas mataas (ang “Singil sa Pagproseso ng Pag-withdraw”). Awtomatikong ibabawas ang Singil sa Pagproseso ng Pag-withdraw sa halaga ng iwi-withdraw na pondo. Nakalaan sa aming ang karapatang mangailangan ng makatuwiran at maayos na patunay ng pahintulot ng Sponsor na Organisasyon para mag-withdraw ng mga pondo mula sa bago ang pagpoproseso ng pag-withdraw.

(h)           Sa hinaharap ay puwede kaming magbigay ng functionality na nagbibigay-daan sa iyong magdeposito at mag-withdraw nang direkta sa Sponsoring Organization account, kung saan magkakaroon ka ng karapatan na gamitin ang nasabing functionality bilang alternatibo sa mga proseso inilalarawan sa Seksyon 11.2(b); nang isinasaalang-alang, gayunpaman, na ang mga probisyon ng Seksyon 11 na ito (kasama nang walang limitasyon ang Singil sa Pagproseso ng Pag-withdraw) ay malalapat sa mga deposito at withdrawal na ginawa gamit ang functionality na ito.

Seksyon 12. PAGKILALA

12.1       Kung nag-subscribe ang iyong Sponsor na Organisasyon sa feature na Pagkilala ng User (ang “Mga Feature sa Pagkilala”), makikilala mo ang kontribusyon ng iyong mga katrabaho sa pamamagitan ng aming Website at App (“Pagkilala”).  Nagbibigay-daan din sa Mga User ang Mga Feature na magkomento sa input ng taong katrabaho nila. Ang anumang content na ipo-post mo ay dapat sumunod sa mga paghihigpit na nakatakda sa Tuntunin ng Paggamit  na ito, kasama ang nakatakda sa Seksyon 15. 

12.2       Nagsusubaybay at nagsasama-sama kami ng impormasyon hinggil sa iyong paggamit ng Mga Feature sa Pagkilala at sa anumang natatanggap mong Pagkilala.  Isinasama ang impormasyong ito sa impormasyon na hinggil sa ibang May Sponsor na User na nauugnay sa Sponsor na Organisasyon sa buwanang batayan, para gumawa ng talahanayan ng buod na nagpapakita sa Mga May Sponsor na User na ang nagkatanggap ng pinakamaraming Pagkilala.

Seksyon 13. EAP AT WELLNESS

13.1       Ang impormasyong nasa Website at App na ito ay ipinapakita sa Mga User sa edukasyonal na layunin. Walang inaako ang TELUS Health na anumang tungkuling fiduciary, at hindi naggagarantiya sa katumpakan o pagiging kumpleto ng impormasyon at walang pananagutan para sa mga error o pagkukulang content na ito. Ang impormasyon sa Website at App ay hindi dapat asahan para magmungkahi ng legal na plano ng pagkilos para sa isang indibiwal na may legal, pinansyal, edukasyonal, medikal, o mental na alalahanin sa kalusugan o para palitan ang isang pagkonsulta sa isang kwalipikadong eksperto sa larangan, gaya ng isang abogado, accountant, guro, doktor, provider sa pangangalangang pangkalusugan, o therapist. Ang lahat ng User ay dapat kumonsulta sa isang doktor o iba pang kwalipikadong propesyonal bago maugnay sa mga pagbabago sa diyeta, mga antas ng pisikal na aktibidad, o iba pang katulad na pagbabago sa paraan ng pamumuhay o pag-uugali. 

13.2       KUNG NAKAKARANAS KA NG KRISES GAYA NG ISANG MEDIKAL NA EMERGENCY, O NAGKAKAROON KA NG MGA PAG-IISIP NG SUICIDE O KARAHASAN, AT SA TINGIN MO AY POSIBLE KANG MAGDULOT NG PANGANIB SA IYONG SARILI O SA IBA, O KUNG IKAW AY NASA ISANG MAPANG-ABUSO NA RELASYON O MAY ALALAHANIN SA PANG-AABUSO SA BAHAY, BATA, O NAKAKATANDA, MANGYARING MAKIPAG-UGNAYAN KAAGAD SA MGA NAAANGKOP NA SERBISYO SA EMERGENCY O AWTORIDAD. 

Seksyon 14. ANG HINDI PINAPAYAGANG GAWIN NG MGA USER

14.1       Ang aming Mga Serbisyo ay ibinibigay lang para sa hindi komersyal at personal na paggamit ng Mga User. Hindi mo puwedeng gawin ang sumusunod:

(a)           payagan ang simunan na i-access o gamitin ang iyong Account, kasama ang para sa iyong sariling personal na pagyaman o personal na komersyal na benepisyo;

(b)           muling i-publish, muling ipamahagi, o muling i-transmit ang aming Website o App para sa anumang dahilan, kasama ang para sa iyong personal na pagyaman o personal na komerstal na benepisyo;

(b)           muling ipamahagi o muling ibenta ang anumang Serbisyo sa sinumang tao o entity para sa anumang dahilan, kasama ang para sa iyong personal na pagyaman o personal na komerstal na benepisyo;

(d)           gamitin ang aming Website, App, o Mga Serbisyo sa anumang paraan na nanloloko sa aming mga affiliate o anumang Retailer, kasama ang paggamit ng paraan ng pagbabayad na hindi ka awtorisadong gamitin, gaya ng credit card na hindi ka awtorisadong gamitin o kung hindi naman ay hindi validly na ibinigay sa iyo;

(e)           kopyahin, muling ibenta, o muling mag-supply, mag-reverse engineer, mag-decompile, o gumawa ng halaw na gawa sa anumang bahagi ng aming Website o App, o anumang bahagi ng software na bumubuo sa aming Website o App paano ka man nakakuha ng access sa mga nasabing software;

(f)            gamitin ang aming Website, App, o Mga Serbisyo sa paraang makasira sa reputasyon ng aming brand o pagiging mapagkakatiwalaan o ng sinuman sa aming mga affiliate sinumang Retailer;

(g)           labagin ang anumang naaangkop na batas o regulasyon sa pamamagitan ng paggamit ng aming Website, App, o Mga Serbisyo;

(h)           kopyahin o i-store ang aming Website o App maliban sa para sa iyong sariling hindi komersyal at personal na paggamit (na puwedeng mangyari nang hindi sinasadyan sa normal na paggamit ng iyong browser o mobile device);

(i)            kopyahin o i-store ang aming Website o App sa isang server o iba pang storage device na nakakonekta sa isang network o gumawa ng database sa pamamagitan ng systematic na pag-download at pag-store ng anumang data mula sa Website o App;

(j)            alisin o baguhin ang anumang content ng Website o App, o subukang lusutan ang anumang panseguridad ng hakbang o guluhin ang wastong paggana ng Website o App o anumang server kung saan hino-host ang mga ito; o

(k)           gumawa ng anumang bagay sa aming Website, App, o Mga Serbisyo na hindi tuwirang pinapahintulutan sa Tuntunin ng Paggamit na ito.

14.2       Sa pamamagitan ng paggawa ng Account sumasang-ayon ka na personal kaming bayaran nang buo para sa anumang pagkawala, pagkasira, o gastos na mararanasan o matatamo namin bilang resulta ng anumang claim dahil sa o kaugnay ng iyong paglabag sa anumang ipinagbabawal na nakatakda sa Seksyon 14.1 sa itaas o anumang iba pang probisyon sa Tuntunin ng Paggamit na ito; nang isinasaalang-alanggayunpaman, na ang sinasabing obligasyon sa pagbabayad ay hindi personal na malalapat sa Mga SPO Administrator o Pass-Through Administrator.

Seksyon 15. PAG-POST NG CONTENT

15.1       Sa pamamagitan ng paggawa ng Account o paggamit ng aming Website, App, o Serbisyo, tinatanggap mo ang ganap na responsibilidad sa:

(a)           anuman at lahat ng content na naka-post mula sa iyong Account (sa iyo man o ng iba na nag-access sa iyong Account, nalalaman mo man o hindi ang pag-access na ito) sa Website o App; at

(b)           anuman at lahat ng aktibidad sa pamamagitan ng iyong Account noong ginamit ang Website, App, o Mga Serbisyo;

at sumasang-ayon ka na personal kaming bayaran nang buo para sa anumang pagkawala, pagkasira, o gastos na mararanasan o matatamo namin bilang resulta ng anumang claim dahil sa o kaugnay ng nasabing content o aktibidad nang isinasaalang-alanggayunpaman, na ang sinasabing obligasyon sa pagbabayad ay hindi personal na malalapat sa Mga SPO Administrator o Pass-Through Administrator.

15.2       Nang napapailalim sa anumang naaangkop na batas na taliwas dito, kung pipiliin mong mag-upload ng content sa pamamagitan ng Website o App dapat ay:

(a)           panatilihin mo ang anumang pag-post na nauugnay sa layunin ng forum;

(b)           hindi magsumite ng anumang content na labag sa batas, nagbabanta, mapang-abuso, mapanirang-puri, pornograpiko, bastos, bulgar, malaswa, mapanakit, o lumalabag sa mga karapatan sa intelektuwal na pag-aari o anumang iba pang karapatan ng anumang third party;

(c)           hindi magsumite ng anumang content na naglalaman ng anumang virus o iba pang code na may nakakapinsala o nakakasirang elemento;

(d)           hindi magsumite ng anumang content na may anumang uri ng advertising; at

(e)           hindi magpanggap o hindi maling magkatawan sa pagkakaroon ng kaugnayan sa, anumang tao o entity.

15.3       Sa pamamagitan ng paggawa ng Account kinikilala mo at sumasang-ayon ka na:

(a)           hindi namin sinusubaybayan o pinapangasiwaan ang anumang content na na-post mo o ng sinupamang User;

(b)           hindi namin sinusubaybayan ang paggamit mo ng Website, App, o Mga Serbisyo o ang nasabing paggamit ng sinupamang User; at

(c)           wala kaming pananagutan sa iyo o sa sinupamang User para sa, o kaugnay ng, anumang nasabing content o paggamit (kasama ang anumang hindi naaangkop, mali, o nakakapanlinlang na content na na-post mo o ng iba User ng Website, App, o Mga Serbisyo).

15.4       Kinikilala ng mga SPO Administrator at Pass-Through Administrator na ang mga Sponsor na Organisasyon ay mananatiling pangunahing responsable sa lahat ng oras para sa anumang pangangasiwa o pagsubaybay sa anumang content na na-post ng sinumang User. Gayunpaman, nakalaan sa amin ang karapatan, sa aming ganap na pagpapasya, na i-delete ang anumang content na na-post ng Mga User.

15.5       Ang mga reklamo tungkol sa content ng anumang pag-post ay dapat ipadala sa support@lifeworks.com at dapat maglaman ng mga detalye ng partikular na pag-post na dahilan ng reklamo.

Seksyon 16. NEWSLETTER; IBA PANG PAUNAWA AT KOMUNUKASYON SA EMAIL SA MGA USER

Sa iyong pahintulot (sa lawak na kinakailangan sa ilalim ng naaangkop na batas) maaari kaming magpadala paminsan-minsan ng isang newsletter sa iyo sa email address na nauugnay sa iyong Account. Maaaring naglalaman ang mga naturang newsletter ng mga detalye ng mga alok mula sa Mga Retailer. Bibigyan ka ng opsyong mag-opt out sa pagtanggap ng mga newsletter na ito.

Seksyon 17. MGA EXTERNAL NA LINK

17.1       Ang Website at App ay posibleng magbigay ng mga link sa ibang website (kabilang ang mga website ng Mga Retailer) bilang bahagi ng Mga Serbisyong ibinibigay namin sa Mga User, kasama ang para sa mga edukasyonal na layunin. Ang Mga User ay dapat magsagawa ng pagpapasya kapag nag-a-access ng mga link sa ibang website sa pamamagitan ng website o app.

17.2       ANG LIFEWORK AY HINDI NAGSASAGAWA NG ANUMANG PAGKAKATAWAN HINGGIL SA PAGPAPATAKBO O CONTENT NG MGA EXTERNAL NA WEBSITE NA ITO AT WALA ITONG RESPONSIBILIDAD PARA SA KALIDAD NG IMPORMASYONG NASA ANUMANG NASABING EXTERNAL NA WEBSITE O ANUMANG LINK NA NASA NASABING EXTERNAL NA WEBSITE. ANG MGA LINK NA ITO AY PUWEDENG DUMIREKTA NANG HINDI INAASAHAN SA MGA SITE NA MAY IMPORMASYONG POSIBLENG MAITURING NG MGA TAO NA HINDI NAAANGKOP O NAKAKASAKIT. PUWEDE RING DUMIREKTA ANG MGA LINK NA ITO SA MGA SITE NA MAY HINDI TUMPAK NA IMPORMASYON, MALI O NAKAKAPANLINLANG NA ADVERTISING, O IMPORMASYONG LUMALABAG SA MGA BATAS SA COPYRIGHT, PANINIRANG-PURI, O PANINIRA. ANG MGA SERBISYO, PRODUKTO, AT RESOURCE NA AVAILABLE MULA SA MGA WEBSITE NA ITO AY HINDI INEENDORSO SA ANUMANG PARAAN NG TELUS HEALTH, AT HINDI RIN INEENDORSO NG TELUS HEALTH ANG ALINMAN SA MGA SPONSOR O ADVERTISER SA MGA SITE NA ITO

Seksyon 18. AVAILABILITY AT PAGPAPATAKBO NG MGA SERBISYO, WEBSITE, AT APP

18.1       Gagamit kami ng komersyal na makatarungang pagsisikap para gawing available ang Mga Serbisyo, Website, at App para sa paggamit mo hangga't makatuwirang posible, pero hindi kami nagbibigay ng o sumasang-ayon sa anumang kundisyon, warranty, o iba pang tuntunin sa epektong ang Mga Serbisyo, Website, o App ay magiging:

(a)           available sa lahat ng oras;

(b)           available sa tuloy-tuloy o hindi naaantalang batayan;

(c)           walang error, depekto, virus o iba pang mapanirang elemento; o

(d)           sumusunod sa anumang partikular na (mga) pamantayan.

18.2       Sa pamamagitan ng paggawa ng Account at paggamit ng Website o App, sumasang-ayon kang wala kaming magiging pananagutan sa iyo para sa anumang hindi pagiging available ng o depekto sa aming Mga Serbisyo, App, o Website (kahit pansamantala), kasama ang dahil sa nakaiskedyul na maintenance, mga upgrade, seguridad, dahilang legal o para sa negosyo, at/o dahilang hindi namin makokontrol (gaya ng pagpalya ng hardware o software, iba pang pagkaantala ng serbisyo sa internet, o hindi pagiging available ng website ng Retailer).

18.3       Responsibilidad mong magpatupad ng naaangkop na mga pangkaligtasang seguridad sa information technology (kasama ang mga anti-virus at iba pang panseguridad na pagsusuri) para matugunan ang iyong mga partikular na kinakailangan sa kaligtasan at pagiging mapagkakaliwaan ng Website, App at mga content nito.

Seksyon 19. MGA KARAPATAN SA INTELEKTUWAL NA PAGMAMAY-ARI

19.1       Ang lahat ng karapatan sa intelektuwal na pagmamay-ari sa o nauugnay sa Mga Serbisyo, Website, at App (kasama ang text, graphics, software, larawan, at iba pang imahe, video, tunog, trademark, at logo) ay pagmamay-ari namin at ng aming mga tagapaglisensya. Binibigyan ka ng hindi eksklusibong lisensya para gamitin ang mga karapatan sa intelektuwal na pagmamay-ari na nauugnay lang hangga't kinakailangan para magbigyang-daan kang matanggap ang Mga Serbisyo at para magamit ang Website at App alinsunod sa Tuntunin ng Paggamit na ito. Kinikilala mo at sumasang-ayon ka na hindi ka nagkakaroon ng anumang pagmamay-ari sa, o iba pang karapatang nauugnay sa, anumang karapatan sa intelektuwal na pagmamay-ari sa pagtanggap ng Mga Serbisyo o paggamit ng Website at/o App.

19.2       Ang Website o App ay posibleng may code, na karaniwang tinatawag na open source software, na pinapamahagi sa anuman sa maraming nalalamang variation ng mga tuntunin sa lisensya ng open source, kabilang ang mga tuntunin na nagbibigay-daan sa libreng pamamahagi at pagbabago ng source code ng nauugnay na software o sa nag-aatas sa lahat ng distributor na gawing available ang nasabing source code kung hihilingin, kasama ang anumang kontribusyon o modipikasyon ng nasabing distributor (sa pangkalahatang, “Open Source Software”). Pakitandaan na, hangga't ang Website o App ay naglalaman ng Open Source Software, lisensyado lang ang elementong iyon sa iyo alinsunod sa mga nauugnay sa tuntunin sa lisensya ng naaangkop na tagapaglisensya ng third-party (“Mga Tuntunin sa Lisensya ng Open Source”) at hindi ito napapailalim sa mga tuntuning ito, at tinatanggap mo at sumasang-ayon kang mapailalim sa nasabing Mga Tuntunin sa Lisensya ng Open Source. Kung hihilingin mo, gagawing available sa iyo ang isang kopya ng source code para sa anumang Open Source Software na nasa Website o App at sa nauugnay na Mga Tuntunin sa Lisensya ng Open Source.

19.3       Sumasang-ayon ka na, sa pamamagitan ng pagsusumite ng anumang nilalaman (hindi kasama ang impormasyon sa kalusugan at pakikipag-ugnayan) sa pamamagitan ng Website o App, binibigyan mo kami at ang aming mga kaanib ng isang panghabang-buhay, hindi mababawi, sa buong mundo, hindi eksklusibo, walang royalty at ganap na sub-licensable na karapatan at lisensya gumamit, magparami, magbago, mag-adapt, mag-publish, magsalin, lumikha at gumamit ng mga hinangong gawa mula sa, ipamahagi, isagawa at ipakita ang naturang nilalaman (sa kabuuan o bahagi), sa loob lamang ng network ng iyong Sponsoring Organization, sa pag-unawa na ang naturang pamamahagi, pagganap o ang display ay inilaan para sa mga layunin ng impormasyon at hindi magkakaroon ng pang-ekonomiya, direkta o hindi direktang kita sa Gumagamit. Bibigyan mo rin ang iba pang mga User sa loob ng network ng iyong Sponsoring Organization ng isang hindi eksklusibong lisensya upang tingnan ang naturang nilalaman sa loob ng network ng iyong Sponsoring Organization.

Seksyon 20. ANG AMING PANANAGUTAN

20.1       Maliban na lang kung tuwirang nakasaad sa Tuntunin ng Paggamit na ito, hindi kami gumagawa o nagbibigay ng pagkakatawan o garantiya sa katumpakan, kakumpletuhan, pagiging napapanahon, pagiging tama, pagiging mapagkakatiwalaan, integridad, kalidad, kaangkupan sa layunin, o pagiging orihinal ng anumang content ng Website o App, at hangga't pinapayagan ng naaangkop na batas, ang lahat ng ipinapahiwatig na garantiya, kundisyon, o iba pang tuntunin, anuman ang uri, ay isinasantabi sa pamamagitan nito. Hanggang sa limitasyon pinapahintulutan ng naaangkop na batas, hindi kami tumatanggap ng pananagutan para sa anumang pagkawala o pagkasira, anuman ang uri nito, bilang resulta ng pagdepende mo o ng sinumang sa content ng Website at/o App.

20.2       Wala sa Tuntunin ng Paggamit na ito ang magsasantabi o maglilimita sa aming pananagutan sa iyo sa:

(a)           panloloko o mapanlokong maling pagkakatawan; o

(b)           para sa anumang pananagutan na maaaring hindi, sa ilalim ng naaangkop na batas, ay hindi kasama o limitado.

20.3       Wala kaming pananagutan sa iyo (kung magkakaroon man ng mga nasabing pananagutan bilang resulta ng paglabag sa kontrata, pagpapabaya, maling pagkakatawan, o anumang iba pang dahilan) para sa anumang pagkawala o pagkasira bilang resulta ng:

(a)           anumang pagkilos o hindi pagkilos ng sinumang Retailer, User, Sponsor na Organisasyon, o iba pang third party;

(b)           anumang pagkabigo sa pagsubaybay o pagbibigay ng CashBack o Reward ng o sa ngalan ng sinumang Retailer; o

(c)           anumang sitwasyong hindi namin magkatarungang maaasahan na kontrolin.

20.4       Ikaw ay ganap na responsable sa pagprotekta sa iyong mga detalye sa pag-log in at password, at hindi kami magkakaroon ng pananagutan sa pagkawala o pagkasirang posibleng magresulta mula sa pagkabigo mong gawin ito.

20.5       Hindi kami magkakaroon ng pananagutan sa iyo (ang nasabing pananagutan man ay dahil sa resulta ng paglabag sa kontrata, pagpapabaya, maling pagkakatawan, o para sa anumang iba pang dahilan) para sa anumang pagkawala sa negosyo at anumang pananagutang mayroon kami dahil sa mga mawawala sa iyo at mahigpit na limitado sa mga pagkawalang makatuwirang maaasahan.

20.6       Hindi kami magkakaroon ng pananagutan sa iyo o sa sinumang Sponsor na Organisasyon para sa anumang pagkawala, pagkasira, pananagutan, gastos, habol, o anumang halaga na mararanasan, maiipon, babayaran mo o ng sinumang Sponsor na Organisasyon bilang resulta ng pagkasuspinde o pagwawakas namin ng iyong access sa at paggamit ng Mga Serbisyo.

20.7       Hindi kami magkakaroon ng pananagutan sa iyo o sa sinumang Sponsor na Organisasyon para sa anumang pananagutan sa buwis na maiipon mo o ng sinumang Sponsor na Organisasyon bilang resulta ng Mga Serbisyong natanggap mo, at ang Sponsor na Organisasyon at User ay may ganap na responsibilidad sa pag-unawa at pagbabayad ng sarili nilang pananagutan sa buwis na nauugnay sa o resulta ng Mga Serbisyo.

20.8     Kung ina-access mo ang aming Website o App mula sa Australia, ang mga probisyon ng Seksyon 20 na ito ay napapailalim sa iyong mga karapatan ng consumer sa ilalim ng batas ng Australia. Mangyaring sumangguni sa Appendix 3 ng Mga Tuntunin ng Paggamit na ito para sa higit pang impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan ng consumer sa ilalim ng batas ng Australia.

Seksyon 21. PAGSASARA NG IYONG ACCOUNT

21.1       Kung gusto mong isarado ang iyong Account, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong Sponsor na Organisasyon na makakapag-ayos para mapasara mo ang iyong Account o magsumite ng kahilingan sa privacy.lifeworks.com. Pakitandaang posible kaming magpanatili ng impormasyon hinggil sa iyong Account sa aming mga talaan alinsunod sa aming mga karaniwang patakaran at alinsunod sa iyong Patakaran sa Privacy (isang kasalukuyang kopya nito ang available sa help.lifeworks.com). Kapag isinara mo ang iyong Account, hindi kami maoobligang i-delete ang nasabing impormasyon maliban na lang kung kinakailangan sa aming mga kasanayan at patakaran o kung saan kami ay kinakailangan na gawin ito ayon sa naaangkop na batas.

21.2       Ang Sponsor na Organisasyon ay ganap na magiging pangunahing responsable sa pag- deactivate ng Account ng User kung ayaw nang gamitin ng User ang Mga Serbisyo o hindi na natutugunan ang mga pamantayan sa pagiging kwalipikado na nakatakda sa Seksyon 5.1. Puwedeng i-deactivate ng SPO Administrator o Pass-Through Administrator ang Account ng User sa seksyong “Pamahalaan ang User” sa admin panel ng Website. Hindi nito maaapektuhan ang aming karapatang mag-deactivate ng Mga User Account gaya ng nakatakda sa ibang bahagi ng Tuntunin ng Paggamit na ito.

21.3       Ibinibigay namin ang aming Mga Serbisyo sa Mga User at Sponsor na Organisasyon alinsunod sa Kasunduan sa SPO kasama ang nauugnay na Sponsor na Organisasyon o alinsunod sa kontrata sa pagitan namin at ng isang third-party na reseller ng aming Mga Serbisyo na mayroon ding kontrata sa nauugnay na Sponsor na Organisasyon. Puwede naming suspindihin o wakasan (sa aming opinyon) ang iyong access sa at paggamit ng Mga Serbisyo sa ilang partikular na sitwasyon kung saan ang iyong Sponsor na Organisasyon o ang nauugnay na third-party ng reseller ng Mga Serbisyo ay nalabag sa kanilang mga kontrata sa atin.

21.4       Posible namin, o ng iyong Sponsor na Organisasyon (ayon sa nalalapat), na isara ang iyong Account kung:

(a)           nilalabag mo ang Tuntunin ng Paggamit na ito;

(b)           huminto ka sa pagiging kwalipikadong User hinggil sa iyong Sponsor na Organisasyon o makatuwiran naming pinapaniwalaan na ganoon ang sitwasyon;

(c)           huminto sa pagbabayad ang iyong Sponsor na Organisasyon para sa Mga Serbisyo;

(d)           lumalabag ang iyong Sponsor na Organisasyon o iba pang default sa kontrata nito sa amin o sa anumang third-party na reseller ng aming Mga Serbisyo para mapagtibay ang pagwawakas ng kontrata;

(e)           ang sinumang third-party na reseller ng aming Mga Serbisyo kung kanino namin ibinibigay ang aming Mga Serbisyo para sa iyo ay lumalabag o sa iba pang default ng kontrata nito sa amin para mapagtibay ang pagwawakas ng kontratang iyon; o

(f)            para sa anumang iba pang dahilan sa aming ganap na pagpapasya.

21.5       Ang iyong Account at ang lahat ng content nito ay ide-delete 90 araw pagkatapos ng petsa ng pagsasara nito. Pakitiyak na ang anumang CashBack sa iyong Account ay na-remit gamit ang iyong Kagustuhan sa CashBack at na-redeem ang anumang Reward sa iyong Reward Account bago mo isara ang iyong Account. Kung isinara ang iyong Account para sa anumang dahilan, magkakaroon ka ng 90 araw mula sa petsa ng pagsasara nito para makuha ang anumang CashBack at ma-redeem ang anumang Reward sa iyong Reward Account. Ang anumang CashBack na hindi nagamit o na-withdraw, at ang anumang Reward na hindi na-redeem sa panahong ito, ay mapupunta sa amin. Ang kinakailangan sa Minimum na Halaga sa Seksyon 9.2 ay hindi nalalapat sa iyong CashBack Wallet sa 90 araw na panahon pagkatapos isara ng iyong Account.

Seksyon 22. PANGKALAHATAN

22.1       Hindi mo puwedeng i-sublicense, i-transfer, o italaga ang anumang sa mga karapatan o obligasyon sa ilalim ng Tuntunin ng Paggamit na ito.

22.2       Puwede kaming mag-subcontract o italaga ang paggawa ng anuman sa aming mga obligasyon sa iyo. Puwede naming i-transfer o italaga sa ibang tao ang anuman sa aming mga karapatan o obligasyon sa iyo.

22.3       Ang Tuntunin ng Paggamit na ito, kung saan kasama ang anumang iba pang tuntuning tuwirang nakasangguni sa mga ito, ay kumakatawan sa buong kasunduan sa pagitan mo at namin, kaugnay ng usaping ito.

22.4       Ang lahat ng paunawang ibinigay mo sa amin o vice-versa ay dapat ibigay sa pamamagitan ng email o sa pagsulat sa address na nakatakda sa Seksyon 23. Puwede kaming magbigay ng paunawa sa iyo sa pamamagitan ng email o postal address na ibinigay mo sa amin noong nag-order ka.

22.5       Kung hindi namin ito mapapatupad, o kung iaantala namin ang pagpapatupad, alinman sa aming mga karapatan alinsunod sa Mga Tuntunin ng User na ito, na hindi nagreresulta sa pagbawi ng mga karapatang pinag-uusapan.

22.6       Kung malalaman na hindi maipapatupad ang alinman sa mga probisyon Tuntunin ng Paggamit na ito, hindi ito makakaapekto sa kakayahang maipatupad ng anumang  iba pang probisyong nilalaman ng mga ito.

22.7       Maliban sa nakatakda sa Appendix 3, ang Tuntunin ng Paggamit na ito at ang aming iba pang tuntuning kasama bilang sanggunian, ay pamamahalaan ng mga batas ng Ontario, Canada at ang mga hukuman sa Toronto, Canada, ay magkakaroon ng eksklusibong huridiksyon para ayusin ang anumang hingi pagkakasunod sa pagitan mo at namin alinsunod sa Tuntunin ng Paggamit na ito.  PAKITINGNAN ANG KARAGDAGANG IMPORMASYON NA POSIBLENG NALALAPAT SA IYO SA APPENDIX 3 NG TUNTUNIN NG PAGGAMIT NA ITO.

Seksyon 23. PAKIKIPAG-UGNAYAN SA AMIN

Pakisumite ang anumang tanong na mayroon ka tungkol sa Tuntunin ng Paggamit na ito o sa anumang problemang nauugnay sa Website o App at sa paggamit nito sa amin sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:

(a)           sa pamamagitan ng Website;

(b)           sa pamamagitan ng email sa support@lifeworks.com;

(c)           sa pamamagitan ng koreo sa address na nakatakda sa Seksyon 1.

Ang iyong mga query ay aasikasuhin ng isang kinatawan ng TELUS Health kaagad. Susubukan naming tumugon sa iyong mga query sa loob ng 5 araw ng negosyo mula sa pagtanggap ng query.

Appendix 1

GLOSSARY NG MGA MAY KAHULUGANG TERMINO NA GINAMIT SA TUNTUNIN NG PAGGAMIT NA ITO

MAY KAHULUGANG  TERMINO

KAHULUGAN O LOKASYON NG KAHULUGAN

Account

Ang ginagawa ng User sa pamamagitan ng pag-log in sa Website o App, paggawa ng Username at password, at pagtanggap ng Tuntunin ng Paggamit na ito.  Ang Account ng isang User ay naglalaman ng lahat ng impormasyon inilagay ng User sa profile ng User

App

Ang aming mobile device application na available para sa pag-download mula sa app store ng mga third-party o bilang mobile web application sa Website

CashBack

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 4(c)

Kagustuhan sa CashBack

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 9.3

CashBack Wallet

Kung saan ang lahat ng iyong cashback ay ipinapakita at nakaimbak.

Sa tuwing bibili ka sa pamamagitan ng TELUS Health, lalabas sa iyong wallet ang nauugnay na cashback

Mga Serbisyo ng EAP

Ang programa sa tulong sa empleyado at mga serbisyo sa wellness na iniaalok ng TELUS Health at pinapatakbo ng iyong Sponsor na Organisasyon

Pagsusuri sa Panganib sa Kalusugan

Ang aming pagmamay-aring online na tool sa pagsusuri sa panganib sa kalusugan na nakabatay sa mga serye ng na-validate na sukatan at tanong sa paraan ng pamumuhay.  Ang tool na ito ay  bumubuo ng mga buod ng mga resulta at nagbibigay ng impormasyonal na rekomendasyon sa content nang real time.

Minimum na Halaga

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 9.2

Mga Tuntunin sa Lisensya ng Open Source

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 19.2

Open Source Software

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 19.2

Iba pang Reward

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 10.5

Pass-Through Administrator

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 2.1

May Sponsor na User

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 2.1

Dependent User

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 2.1

Mga Perk

Ang CashBack, mga diskwento, at iba pang Serbisyo sa perk na iniaalok ng TELUS Health at pinapatakbo ng iyong Sponsor na Organisasyon

Personal na Impormasyon

Impormasyon tungkol sa isang may pagkakakilanlang User, kasama ang personal na impormasyon sa kalusugan (gaya ng tinutukoy ng naaangkop na batas)

Patakaran sa Privacy

Ang Patakaran sa Privacy na naka-post sa Website at/o App, na pana-panahong ina-update, ay may kasalukuyang kopya na available sa www.lifeworks.com

Reason Code

Isang barcode, QR code, o iba pang uri ng code gaya ng string ng mga character para sa mga layunin ng pagkuha ng diskwento sa para sa isang pagbili mula sa isang Retailer

Pagkilala

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 12.1

Mga Feature sa Pagkilala

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 12.1

Opsyon sa Pag-redeem

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 10.6(a)

Retailer

Isang third-party na retailer o provider ng serbisyo (kasama ang isang restaurant o sinehan) o iba pang provider ng mga diskwento, gift card, o experience vouchers.  Ang mga produkto o serbisyong iniaalok ng mga kalahok na Retailer ay naa-access sa pamamagitan ng mga link sa aming Website o App sa website ng Retailer

Komisyon ng Retailer

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 9.1

Impormasyon ng Retailer

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 8.1(c)

Rewards Account

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 10.1(b)

Mga Serbisyo

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 4

Snackable Content

Maikli, mabilis unawain, at nauugnay na digital na content gaya ng mga video, maikling artikulo, o mas mahabang bahagi ng impormasyon na pinaghati-hati sa isang serye o maiikling artikulo, na idinisenyo lahat para sa agarang naki-click na pagkonsumo ng Mga User

Kasunduan sa SPO

Isang kasunduan sa pagitan namin at Sponsor na Organisasyon (hindi kasama ang Mga Tuntunin ng User na ito) kung saan ginagawang available ng TELUS Healthang Mga Serbisyo sa Mga May Sponsor na User ng Sponsor na Organisasyon nang direkta o hindi direkta sa pamamagitan ng platform ng third-party na reseller

Spot Rewards Account

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 11.2(a)

Rewards Account ng May Sponsor na User

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 11.2(d)

Sponsor na Organisasyon

Isang employer, sponsor ng plano, kumpanya sa insurance, unyon sa paggawa, organisasyon sa trade, samahan sa trade, unibersidad, kolehiyo, o iba pang piling organisasyon na direktang naka-subscribe para sa aming Mga Serbisyo alinsunod sa Kasunduan sa SPO o hindi direktang nakakontrata sa aming Mga Serbisyo sa pamamagitan ng isang third-party na reseller ng aming Mga Serbisyo

Spot Reward

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 4(d)

Mga Tuntunin ng Paggamit

Ang mga tuntunin at kundisyong ito (kasama ng anumang iba pang tuntuning kabilang sa mga ito sa pamamagitan ng sanggunian)

User, ikaw, iyo

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 2.1

Kami, namin, sa amin

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 1

Website

Ang aming website na www.lifeworks.com (at ang lahat ng subdomain)

Well-Being Reward

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 4(e)

Singil sa Pagproseso ng Pag-withdraw

Binigyan ng kahulugan sa Seksyon 11.2(g)

 

Appendix 2

PAUNAWA NG MGA TUNTUNIN MULA SA MGA THIRD-PARTY NA PROVIDER:

Pakisuri at isapamilyar ang iyong sarili sa mga sumusunod na paunawa at iniaatas na tuntunin mula sa aming mga third-party na provider ng serbisyo:

Apple

Kung ang anumang app na ida-download, ia-access, at/o gagamitin mo ay gumagana sa iOS operating system ng Apple:

  • ang app na iyon ay puwede lang i-access at gamitin sa isang device na pagmamay-ari o kinokontrol mo o ng iyong employer, at gumagamit ng iOS operating system ng Apple, at alinsunod lang sa mga panuntunan sa paggamit ng Apple na na-publish sa mga tuntunin ng serbisyo ng app store ng Apple;

Kinikilala mo at sumasang-ayon ka na:

  • Walang obligasyon ang Apple sa lahat para magbigay ng anumang serbisyo sa suporta o maintenance kaugnay ng App. Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa maintenance o suporta kaugnay ng App, mangyaring makipag-ugnayan sa TELUS Health, at hindi sa Apple, gamit ang mga detalye sa Pakikipag-ugnayan sa Amin na nakatakda sa Mga Tuntunin ng Paggamit sa itaas;
  • Maliban kung direktang itinakda sa mga tuntuning ito, ang anumang claim na nauugnay sa pagkakaroon o paggamit ng App ay sa pagitan mo at ng TELUS Health (at hindi sa pagitan mo, o ng sinuman, at Apple);
  • Kung sakaling magkaroon ng claim ang isang third party na ang iyong pagkakaroon o paggamit (alinsunod sa mga tuntuning ito) ng App ay lumalabag sa anumang karapatan sa intelektuwal na pagmamay-ari, hindi magkakaroon ang Apple ng responsibilidad at pananagutan sa iyo kaugnay ng claim na iyon; at
  • Bagama't ang mga tuntuning ito ay pinasok mo at ng TELUS Health (at hindi ng Apple), ang Apple, bilang isang third-party na benepisyaryo alinsunod sa mga tuntuning ito, ay magkakaroon ng karapatang magpatupad ng mga tuntunin laban sa iyo;

Kinakatawan at ginagarantiya mo na:

  • Ikaw ay wala, at hindi mapupunta, sa anumang bansang sa embargo ng Pamahalaan ng Estados Unidos o naitalaga ng Pamahalaan ng Estados Unidos bilang bansang “sumusuporta sa terorista”; at
  • Hindi ka nakalista sa anumang listahan ng pinagbabawalan o pinaghihigpitang party ng Pamahalan ng Estados Unidos; at
  • Kung ang App ay hindi nakakasunod sa anumang warranty na nalalapat dito, puwede mong abisuhan ang Apple, na magre-refund sa iyo sa presyo ng pagbili ng App na iyon (kung mayroon). Napapailalim dito, at hanggang sa pinapahintulutan ng batas, ang Apple ay hindi nagbibigay o pumapasok sa anumang warranty, kundisyon, o iba pang tuntunin kaugnay ng App na iyon, at hindi magkakaroon ng pananagutan sa iyo para sa anumang habol, pagkawala, gastos, o abala, anuman ang uri nito, kaugnay sa App o bilang resulta ng paggamit mo o ng sinuman sa App na iyo o sa pagdepende sa anuman sa content nito.

Appendix 3

PAUNAWA SA MGA USER SA LABAS NG CANADA:

Seksyon 1. Hinggil sa Mga Hindi Teritoryo ng Canada. Ang mga probisyon sa ibaba ay nagbibigay ng karagdagang detalye hinggil sa Teritoryo ng ng Kasunduan sa SPO na naangkop sa iyo at sa iyong Sponsor na Organisasyon.

1.1          UK.  Kung ang pangunahing Teritoryo sa Kasunduan sa SPO na naaangkop sa iyo at sa iyong Sponsor na Organisasyon ay UK:

(a)           Ang mga pagbanggit sa hinaharap sa TELUS Health sa Tuntunin ng Paggamit na ito ay ituturing na nangangahulugang ang TELUS Health (U.K.) Ltd. isang pribadong limitadong kumpanyang pinapatakbo alinsunod sa batas ng England at Wales (Reg. No. 08223675) na nasa 90 High Holborn, Holborn, London, WC1V 6LJ UK (na tutukuyin bilang “TELUS Health UK” sa Appendix 3 na ito).

(b)           Kung ang naaangkop sa iyo na Kasunduan sa SPO at sa iyong Sponsor na Organisasyon ay pinagkasunduan ng TELUS Health UK (o ng isang predecessor sa TELUS Health UK o isang successor na may interes sa TELUS Health UK), mapapailalim ang Mga Tuntunin ng User na ito sa batas ng UK at sa mga hukumang nasa London para sa mga layunin ng Seksyon 22.7 ng Mga Tuntunin ng User na ito.

1.2          US.  Kung ang pangunahing Teritoryo sa Kasunduan sa SPO na naaangkop sa iyo at sa iyong Sponsor na Organisasyon ay Estados Unidos:

(a)           Ang mga pagbabanggit sa TELUS Health sa Tuntunin ng Paggamit na ito ay ituturing na nangangahulungang TELUS Health (US) Ltd., isang korportasyon sa Delaware na may pangunahing lugar ng negosyo sa 250 Royall Street, Suite 210W, Canton MA 02021, USA (na babanggitin bilang “TELUS Health US” sa Appendix 3 na ito). 

(b)           Kung ang naaangkop sa iyo na Kasunduan sa SPO at sa iyong Sponsor na Organisasyon ay pinagkasunduan ng TELUS Health US (o ng isang predecessor sa TELUS Health US o isang successor na may interes sa TELUS Health US), mapapailalim ang Mga Tuntunin ng User na ito sa batas ng Delaware para sa mga layunin ng Seksyon 22.7 ng Mga Tuntunin ng User na ito.

1.3          Australia.  Kung kasama ang Australia sa Teritoryo sa Kasunduan sa SPO na naaangkop sa iyo at sa iyong Sponsor na Organisasyon:

(a)           Ang mga pagbanggit sa hinaharap sa TELUS Health sa Tuntunin ng Paggamit na ito ay ituturing na nangangahulugang TELUS Health (Australia) Pty Ltd ACN 134 449 059, isang pagmamay-aring kumpanya na nalilimitahan ng mga share na nakarehistro sa Australian Corporations Act 2001 at nakatala sa Victoria, Australia, at kung saan ang pangunahing lugar ng negosyo ay sa Level 25, 303 Collins Street, Melbourne VIC 3000 Australia (na tutukuyin bilang “TELUS Health Australia” sa Appendix 3 na ito).

(b)           Kung ang naaangkop sa iyo na Kasunduan sa SPO at sa iyong Sponsor na Organisasyon ay pinagkasunduan ng TELUS Health Australia (o ng isang predecessor sa TELUS Health Australia o isang successor na may interes sa TELUS Health Australia), mapapailalim ang Mga Tuntunin ng User na ito sa batas ng Australia at sa mga hukumang nasa Melbourne para sa mga layunin ng Seksyon 22.7 ng Mga Tuntunin ng User na ito. 

(c)           Alinsunod sa Australian Consumer Law (“ACL”) at mga katulad na batas ng estado at teritoryo, ang mga consumer ay may mga partikular na karapatang hindi dapat iisantabi, kasama ang mga garantihya sa katanggap-tanggap na kalidad at kaangkupan, para sa mga layunin ng produkto at serbisyo. Wala sa Mga Tuntunin ng User na ito ang uunawain o gagamitin para iisantabi, limitahan, o baguhin ang o magkaroon ng bisa sa pagsasantabi, paglilimita, o pagbabago sa anumang kundisyon, warranty, garantiya, karapatan, o remedyong ipinapataw ng batas (kasama ang ACL) at hindi maaaring iisantabi, limitahan, o baguhin ayon sa batas.

 

*** Dulo ng Tuntunin ng Paggamit ***

Huling na-update noong Agosto 2023

 

 

Mayroon ka pa bang mga tanong? Magsumite ng kahilingan

© TELUS Health